Key Messages – Week of 4/20 – Tagalog

1) Libreng Pagsusuri: Para sa pangkalahatang publiko, ang libreng pagsusuri sa COVID-19 ay magagamit sa lahat ng mga residente ng L.A. County na may mga sintomas. Nag-aalok din ang Lungsod ng L.A. ng libreng pagsusuri sa mga kritikal na manggagawa kahit na walang sintomas – kabilang ang mga manggagawa sa grocery, kawani ng parmasya, nagtatrabaho sa ospital, mga pangunahing manggagawa sa gobyerno kabilang ang mga Metro bus driver at mga manggagawa sa shelter. Pumunta kayo sa Coronavirus.LACity.org/Testing.

2) Kalusugan ng Kaisipan: Ang pasaning sikolohikal na dulot ng pandemyang COVID-19 ay may kabigatan, at nararamdaman ng bawat isa. Sa panahong ito, normal ang makaramdam ng pagiisa, at hindi mapakaling makisalamuha sa ating kalungkutan. Maari kang makahanap ng impormasiyon sa kalusugan ng kaisipan at iba pang tulong sa: Coronavirus.LACity.org/Resources.

3) Pagbubukas at Paggaling: Ang kasalukuyang utos na emerhensiyang “Ligtas sa Tahanan” sa Los Angeles ay hanggang Mayo 15. Inilarawan kamakailan ni Mayor Garcetti ang mga patnubay upang maibalik ang normalidad at maghanda para sa potensyal na muling pagbalik ng COVID19. Ang limang haligi ng estratehiya ng Lungsod ay (1) malawakang pagsusuri; (2) pagsubaybay sa real-time na paglaganap ng kaso upang makita at maiwasan ang mga paglaganap; (3) isang agarang tugon sa mga bagong kaso; (4) pagtiyak na ang mga ospital ay may kapasidad na kayanin ang pagdagsa ng pasyente; at (5) patuloy na pananaliksik at progreso.

4) Suporta sa Rentahan: Kung hindi mo kayang bayaran ang iyong upa sa Lungsod ng L.A. dahil sa COVID-19, hindi ka maaaring mapaalis sa iyong tahanan. Dapat ipaalam sa may-ari ng paupahan ang iyong sitwasyong pinansiyal dulot ng COVID-19. Ang Kagawaran ng Pabahay at Pamayanan ng Lungsod ng L.A. ay narito upang makatulong at nag-aalok ng isang halimbawang liham para sa mga nangungupahan upang maipadala sa kanilang mga kasera, magagamit ito sa pitong wika sa hcidla.lacity.org. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 866-557-7368.

Translate »