Nagpalabas si Mayor Eric Garcetti ng isang “Safer at Home” na pang-emerhensyang utos noong Marso 19 — nag-uutos sa lahat ng residente ng Lungsod ng Los Angeles na manatili sa loob ng kanilang mga tirahan,at limitahan agad ang lahat ng kilos sa labas ng tahanan maliban sa talagang kailangan upang asikasuhin ang mga esensyal na pangangailangan. Ang utos ay epektibo hanggang Mayo 15.
Ang layunin ay mapabagal ang pagkalat ng virus at masigurado na sapat ang mapagkukunan na mga pangangailangang medikal para sa mga taong nahawa ng COVID-19 at sa mga may kailangan ng emerhensyang pangangalagang medikal.
ANG PUNO’T DULO
Ang mga residente ng Lungsod ng Los Angeles ay dapat manatili sa loob ng kanilang mga tahanan maliban sa pag-asikaso ng mga “esensyal na aktibidad.” Sa mga pagkakataon na ito, kung nasa labas para sa mga kinakailangang gawain, manatiling anim na talampakan ang layo sa mga iba.
PUWEDENG…
Pumunta sa grocery Pumunta sa parmasya para kunin ang mga gamot at ibang pangangailangang medikal.
Pumunta sa medikal na appointment (tanungin muna ang doktor o tagapagbigay serbisyo)
Pumunta sa restaurant para sa take-out, delivery o drive-thru.
Magbigay alaga o suporta sa isang kaibigan o kamag-anak.
Maglakad, sumakay ng bisikleta, o tumakbo para mag-ehersisyo—pero manatiling anim na talampakan ang layo sa mga iba sa komunidad.
Lakarin ang iyong mga alagang hayop at dalhin sa beterinaryo kung kailangan.
Tulungan ang iba na makakuha ng mga kinakailangan
IKAW AY HINDI DAPAT…
Pumasok sa trabaho maliban lang kung ikaw ay nagbibigay ng mga esensyal na serbisyo na sang ayon sa utos na ito.
Bumisita sa mga kaibigan o kapamilya kung hindi kailangan.
Lumapit ng mas malapit sa anim na talampakan sa ibang tao kung kailangang lumabas.
Bumiyahe para sa isang trabaho na nasa labas ng iyong lungsod maliban lang para sa mga esensyal na aktibidad.
Bumisita sa mga minamahal sa mga ospital, nursing home, skilled nursing facility, at ibang mga residential care facility.
Pumunta sa beach bilang isang grupo, maglaro ng sports na pang-grupo, o sumali sa mga aktibidad na panglabas na kasama ang isang grupo anuman ang laki.