Simulan ang Iyong Tagsibol nang may mga Tip para sa Malusog na Sambahayan Mula sa We Can Do This COVID-19 Public Education Campaign

Habang mas humahaba at umiinit ang mga araw, magandang pagkakataon ang tagsibol para isaalang-alang ang iyong sambahayan at kalusugan. Ang panahong ito ay oras ng pagbabago at pagbabagong-lakas na nag-aalok ng pagkakataon na gumawa ng mga simpleng hakbang para paunlarin ang iyong kabutihan.

Upang samantalahin ang isang tunay na paglilinis ng tagsibol, pinagsama-sama namin ang ilan sa aming pangunahing tip para sa paglilinis at kalusugan at kagalingan:

  • Linisan ang mga bagay na laging hinahawakan. Makakatulong ang paglilinis para maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo na makakapagbigay sa iyo ng sakit, kabilang ang COVID-19 at iba pang mga virus. Dapat palaging linisin ang mga bagay na madalas hinahawakan, gaya ng mga switch ng ilaw, doorknob, at countertop, lalo na pagkatapos umalis ang mga bisita. Tiyaking gumamit ng mga panglinis sa bahay na may sabon o detergent upang masiguro na naaalis mo ang mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit.
  • Punasan ang iyong mga gadyet. Marami sa atin ang maaaring makaalala na i-disinfect ang ating mga telepono, pero madali nating makalimutan na kailangan din natin linisin ang mga remote control, keyboard, tablet, at iba pang gadyet upang maalis ang mga mikrobyo. Tiyaking sundin ang mga tagubilin at rekomendasyon ng manufacturer para sa paglilinis.
  • Unti-untiin ang mga proyekto. Hindi mo kailangang linisin mula sahig hanggang kisame para makausad sa iyong mga plano para sa malusog na sambahayan. Sa halip, pumili ng 10 minutong trabaho na tatapusin kada araw, gaya ng pagpunas sa mga counter, paglalaba ng isang kargada ng labada, o paglinis ng mga blinds. Mas madaling gawin ang mas maliliit na gawain at makakatulong na masimulan ang iyong paglilinis ng tagsibol.
  • Pabutihin ang bentilasyon ng iyong bahay. Magandang pagkakataon ang tagsibol para suriin ang iyong mga air filter upang tiyakin na tama ang pagkaka-install nito at palitan ito kung kailangan. Ang paggawa nito ay nakakabawas ng mga nakaka-pollute na virus sa hangin ng iyong bahay at makakatulong na itigil ang pagkalat ng sakit. Maaari mo rin isaalang-alang ang paglalagay ng portable na air cleaner para mapabuti ang bentilasyon at mabawasan ang dami ng mga mikrobyo sa hangin na binubuga kapag humihinga, nagsasalita, kumakanta, umuubo, at bumabahing.
  • I-restock ang iyong medicine cabinet. Maglaan ng panahon para suriin ang mga expiration date sa iyong mga gamot at bumili ng mga bagong gamot na maaaring kailangan mo, gaya ng mga nasal spray, gamot sa allergy, at mga gamit na pang-first aid. Magandang ideya din ang pagkakaroon ng ekstrang mga COVID testing kit sa bahay. Magandang panahon ngayon ang pagre-restock ng mga produktong pangkalusugan, kabilang ang mga COVID testing kit sa bahay, dahil kabilang na ito sa mga saklaw ng insurance o flexible na account sa paggastos.
  • Tiyaking naka-update ang iyong mga bakuna sa COVID. Walang may gustong magka-COVID ngayong tagsibol, kaya isaalang-alang ang pinaka-updated na bakuna para panatilihing malusog ang iyong sambahayan. Inirerekomenda na ngayon ang updated na mga bakuna sa COVID para sa mga bata at adulto kung noong Setyembre 2022 pa ang huli nilang dosis.

“Habang umiinit ang panahon at papalapit na tayo sa kasagsagan ng tagsibol, ito ay isang magandang panahon upang matiyak na inuuna mo ang iyong kalusugan at kagalingan,” sabi ni Dr. Dillon Chen, Neurologist sa UC San Diego. “Isang mahalagang paraan para magawa iyan ay sa pamamagitan ng pagtiyak na natanggap mo na ang iyong libre at updated na bakuna sa COVID, na maaaring makapagpa-boost ng iyong immune system kahit nagka-COVID ka na.”

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga bakuna sa COVID at para makahanap ng bakunang malapit sa iyo, bisitahin ang vaccines.gov o i-text ang iyong ZIP code sa 438829.

Translate »