Mula sa We Can Do This Kampany sa Pampublikong Kaalaman sa COVID-19
“Nanggaling na doon, natapos na.” Pakiramdam ng mga tao ay sapat na ang kanilang narinig tungkol sa COVID-19. Ngunit sa pagpapanatili ng pagsunod sa mga impormasyon, mga pagbabakuna, at antas ng pagkalat sa komunidad ay mahalaga pa rin upang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya at mga komunidad. Sa katunayan, available na ngayon sa Estados Unidos ang mga na-update na bakuna na mas makakapagprotekta laban sa nakakahawang variant ng Omicron at mga subvariant nito.
Narito ang dapat malaman ng mga tao tungkol sa na-update na mga bakuna sa COVID:
Una, kumpletuhin ang pangunahing serye ng isang bakuna sa COVID. Habang mahigit 224 milyong Amerikano ang nabakunahan na, marami pa rin ang makakakuha ng proteksyon sa pamamagitan ng pagkumpleto ng pangunahing serye sa alinman sa mga available na bakuna mula sa Pfizer, Moderna, o Novavax. Available ang mga bakuna sa COVID sa lahat ng may edad 6 na buwan o mas matanda na naninirahan sa Estados Unidos nang walang bayad.
Ang mga na-update na bakuna ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon. Kamakailan, parehong na-update ng Pfizer at Moderna ang kanilang mga bakuna para i-target ang mga strain ng Omicron ng COVID virus na nagdudulot ng halos lahat ng mga hawaan sa COVID sa Estados Unidos. Ang mga na-update na bakuna ay nagpoprotekta rin laban sa orihinal na COVID virus. Ang mga na-update na bakuna ay available sa sinumang may edad na 12 o mas matanda na nakakumpleto na ng pangunahing serye ng pagbabakuna. Habang patuloy na nagbabago ang virus, ang mga bakuna ay patuloy na ia-update taun-taon upang i-target ang pangunahing variant.
Available na ang mga na-update na bakuna. Available ang mga na-update na bakuna nang libre at madali at hindi mahirap na makuha ang mga ito. Sampu-sampung libong mga site kabilang ang mga parmasya, mga opisina ng doktor, mga sentro ng kalusugan ng komunidad, at iba pang mga lugar ay may na-update na mga bakuna na available. Karamihan sa mga tao ay makakakuha na ngayon ng isang bakuna para sa COVID, isang beses sa isang taon, bawat taglagas. Tulad ng iyong taunang bakuna laban sa trangkaso, kumuha ng na-update na bakuna sa COVID sa pagitan ng Araw ng Paggawa at katapusan ng buwan ng Oktubre.
Hindi mahalaga kung gaano karami o ilang mga booster ang mayroon ka noon. Ang sinumang may edad na 12 o mas matanda na nakakumpleto ng pangunahing serye ng pagbabakuna ay maaaring makakuha ng na-update na bakuna aliman kung hindi nagkaroon o nagkaroon ng isa o higit pang mga booster. Hangga’t sa lumipas ang hindi bababa sa dalawang buwan mula noong huling dosis, ligtas na makakuha ng na-update na bakuna.
Mga usapin tungkol sa pagkalat sa komunidad. Bagama’t ang pagiging napapanahon sa mga pagbabakuna ay nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon mula sa malubhang karamdaman, pagkakaospital, at pagkamatay mula sa COVID, ang mga karagdagang aksyon ay maaaring higit pang magpababa sa panganib ng mga komplikasyong ito, lalo na kapag ang COVID ay tumataas sa inyong komunidad. Ang pagbibigay-pansin sa antas ng lokal na hawaan ng COVID ay maaaring makatulong sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa kung anong mga aksyon ang gagawin. Halimbawa, kapag may tumaas na antas ng pagkalat ng COVID sa iyong komunidad, magsuot ng mask sa mga kulong na pampublikong lugar, kahit na nabakunahan ka na.
Ang mga taong hindi pa nabakunahan laban sa COVID ay nasa mas mataas antas ng panganib na magkaroon ng malubhang karamdaman o mauwi sa pagkamatay. Ang mga bakuna, kabilang ang na-update na bakuna sa COVID, ay magbibigay ng malakas na proteksyon laban sa pagkaospital at pagkamatay mula sa COVID. Binabawasan din ng pagbabakuna ang pagkalat ng COVID at ang paglitaw ng mga bagong variant, na higit na binabawasan ang panganib para sa buong komunidad, lalo na ang mga mayroong mahinang pangangatawan na maaaring tamaan ng COVID. Nangangahulugan ito na ang lahat ay maaaring manatiling malusog at masaya sa paggugol ng oras kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa taglagas na ito at sa darating na kapaskuhan.
Para sa karagdagang impormasyon at upang makahanap ng bakuna, bisitahin ang www.vaccines.gov.