Mga Simpleng Hakbang para sa Pinakamagandang Spring Break Mula sa We Can Do This COVID-19 Public Education Campaign

Malapit na ang spring break, at inihahanda na ng mga pamilya ang mga bagay upang ito’y paghandaan — maging ito’y sunscreen para sa pagbibilad sa araw, mga pananamit sa panlamig, o pagkuha ng mga pasaporte at visa para bisitahin ang pamilya at mga kaibigan. Para masulit ang kanilang bakasyon, kailangang magplano ng mabuti ang mga pamilya para tiyakin na walang mga sagabal sa anumang plano nila para sa spring break.

Bago gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong mga plano at umpisahan ang iyong spring break, suriin ang sumusunod na checklist ng mga hakbang upang lubos na masiyahan sa iyong bakasyon.

Suriin ang mga kinakailangan para sa pagbibiyahe. Manaliksik bago umalis patungo sa iyong destinasyon para masuri kung may mga kailangan kang bakuna o gamot bago ka dumating sa iyong paparoonan. Ang ilang mga destinasyon ay maaaring may mga kasalukuyang panganib sa kalusugan gaya ng maruming tubig mula sa gripo, mga hindi kilalang sakit, o mga pampublikong emerhensiya sa kalusugan. Baka gusto mo ring magpatingin muna sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan bago ka umalis.

Paghandaan ang mga hindi inaasahang isyu. Pag-isipang kumuha ng insurance sa pagbiyahe at paggawa ng mga kopya ng iyong pasaporte, ID na inisyu ng gobyerno, at mga tiket sa paglalakbay para mayroon kang back-up. Manaliksik kung paano mo maa-access ang mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan sa iyong destinasyon kung sakaling magkaroon ng emerhensiya. Kung bibiyahe kang mag-isa, tiyaking magtalaga ng pang-emerhensiyang contact mula sa iyong tahanan.

Dalhin ang mga naaangkop. Iwasang magambala ng sakit o paghihirap ang iyong biyahe sa pamamagitan ng pagdadala ng sunscreen, damit na akma sa panahon, panlaban sa insekto, at lalagyan ng tubig para hindi ka mauhaw. Tiyaking natutugunan ng anumang dala mong likido ang mga kinakailangan para sa bagahe o magplanong bumili ng bago pagdating sa destinasyon.

I-update ang iyong proteksyon sa COVID-19. I-update ang iyong bakuna sa COVID kung noong Setyembre 2022 pa ang huli mong dosis. Maaari pa ring kumalat ang COVID sa matataong lugar at maibabalik ng update na bakuna sa COVID ang iyong proteksyon mula sa pagkakaospital, malubhang sakit, o kamatayan. Pag-isipan ding magdala ng ilang maskara kung malaking grupo ang makakasama mo o ikaw ay sasakay sa matataong pampublikong transportasyon.

Ang spring break ay isang magandang pagkakataon para gumawa ng magagandang alaala at makapagpahinga ang iyong mga anak mula sa kanilang pagsusumikap sa pag-aaral. Makakatulong ang paglalaan ng panahon sa pagpaplano para sa masaya at malusog na spring break para kayo manatiling malusog at maiwasan ang sakit ng ulo kung sakaling magkaantala kung may mga problema.

Bisitahin ang www.vaccines.gov para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga bakuna sa COVID.

Translate »