Mula sa We Can Do This COVID-19 Public Education Campaign
Malayo na ang narating natin para maiwasan ang epekto ng COVID-19 sa tulong ng mga bakuna at gamot. Pero nanganganib pa rin ang mga mas nakakatanda. Habang nagtitipon tayo at ipinagdiriwang ang Lunar New Year, maraming mga tool ang maaaring gamitin ng mga mas nakakatanda — at ng kahit sino — bilang proteksyon laban sa malubhang impeksyon sa COVID.
Narito ang ilang paraan upang simulan ng mga nakakatanda at kanilang mga mahal sa buhay ang Taon ng Kuneho na nasa pinakamabuting kalusugan:
Magpabakuna ng updated na bakuna. Sa sunod-sunod na mga salu-salo at pagdiriwang na gaganapin sa darating na Lunar New Year, ang magpabakuna ng updated na bakuna ay epektibong paraan para protektahan ang iyong sarili at ang lahat ng iyong mga mahal sa buhay. Inirerekomenda ng CDC na magpabakuna ng updated na bakuna sa COVID ang mga 65 taong gulang at mas matanda dahil sila’y nasa mas mataas na panganib na maospital, magkasakit, at mamatay dahil sa COVID. Upang manatiling up to date, kailangan mong kunin ang pinakabagong bakuna sa lalong madaling panahon. Naibabalik ng updated na bakuna sa COVID ang proteksyong dulot ng mga naunang dosis na nabawasan na. Kung nagka-COVID ka kamakailan, maghintay ng tatlong buwan bago magpabakuna ng updated na bakuna.
Ang mga pagdiriwang ng Lunar New Year at Bagong Taon sa buong bansa ngayong buwan at sa susunod ay magkakaroon ng mga vaccine clinic kung saan mag-aalok ng mga updated na bakuna. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Ang Japanese Cultural Center ng Hawai’i, na magdiriwang ng Year of the Rabbit sa Ohana Festival nito na may vaccine clinic na mag-aalok ng mga bakuna mula 10 a.m. – 4 p.m. sa Linggo, Enero 15, sa JCCH, 2454 S. Beretania St., Honolulu, HI.
- Ang San Francisco Chinese New Year Festival & Parade’s Flower Market Fair, na gaganapin sa weekend ding iyon sa Enero 14-15 sa Grant Avenue, at mag-aalok ng mga bakuna.
- Ang Tu-Gether Lunar New Year Festival sa LA, na gaganapin sa Enero 21-22 sa Monterey Park, CA at mag-aalok ng mga bakuna.
- Ang Chinese New Year in the Desert, na gaganapin sa huling bahagi ng linggong iyon sa Enero 28, na may spring festival—at vaccine clinic—sa Fremont East Entertainment District sa downtown Las Vegas.
- Ang Chinatown Lunar New Parade, na ipagdiriwang ng Chicago sa Enero 29, at kung saan ang mga bakuna ay magiging available sa downtown Chicago.
- Ang Chinese New Year Fair ng San Diego, na magkakaroon ng on-site na vaccine clinic sa pagdiriwang nito sa Pebrero 4-5 sa downtown San Diego.
- Ang Chinatown Lunar New Year Parade & Festival sa Manhattan, na mag-aalok ng mga bakuna sa pagdiriwang nito sa Linggo, Pebrero 12, na magsisimula sa Mott at Canal sa New York sa 1 p.m.
Patuloy na mamuhay sa malusog na paraan. Maliban sa mga bakuna, maraming bagay ang maaari mong gawin para makatulong na protektahan ang iyong sarili mula sa impeksyon ng COVID. Regular na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Kapag sumama ang iyong pakiramdam, manatili sa bahay at magpahinga para alagaan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay. Iwasan ang matataong lugar at mga lugar na walang bentilasyon. Kung kailangan kang magpunta sa mga lugar na iyon, huwag kang magtatagal at isaalang-alang ang pagsusuot ng maskara.
Maghanap ng mga paraan para maiwasan ang stress. Nakaka-stress para sa marami ang kasalukuyang pandemic, kabilang sa mga nakakatanda—at okay lang na aminin ito! Ang mga pang-araw-araw na gawain ay nabago, at marami ang nakakaranas ng higit na kalungkutan, stress, at pagkabalisa. Kabilang sa mga tip para makayanan ang stress ay ang bukas na pakikipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, pag-iwas muna sa mga balita, paggawa ng mga pisikal na aktibidad na kinagigiliwan mo, pagkain ng masustansyang pagkain, at pakikipag-ugnayan sa pamilya, mga kaibigan, at komunidad.
Kasalukuyang libre at available kahit saan ang mga bakuna sa COVID. Para sa karagdagang impormasyon at upang makahanap ng bakuna, bisitahin ang www.vaccines.gov.