Magpa-booster Laban sa COVID: Ang Kailangan Mong Malaman Tungkol sa mga Booster Mula sa Kampanyang Pampublikong Edukasyon tungkol sa COVID-19 ng We Can Do This

Nabawasan ng mga bakuna at booster laban sa COVID ang banta ng COVID, at ito’y nagpahintulot sa mga tao na magtipon, bumiyahe, at magdiwang nang mas palagay ang kanilang loob. Ang mga bakuna at booster ay nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon laban sa mga pinakamasamang epekto ng COVID, pero marami pa ring tanong ang mga tao tungkol sa mga booster.

Man and woman lifting young child "Bigyan ng boost of confidence ang iyong summer."

Ipinakita ng data ng CDC na kahit na kasama ang mga Asian American sa grupo ng pinakamaraming tumanggap ng booster—na may halos 70 porsyento sa mga kwalipikado ang tumanggap ng kanilang unang dosis ng booster—14 na porsyento lang ng mga ganap na bakunadong Asian American na 50 taong gulang o mas matanda ang tumanggap ng kanilang ikalawang booster noong Agosto 10. Mababa pa rin ang bilang ng mga tumanggap ng unang booster sa mga Native Hawaiian at Pacific Islander, kung saan wala pang kalahati sa populasyon na nasa edad na 5 taong gulang at mas matanda ang tumanggap ng kanilang unang dosis ng booster.

Dahil diyan, nakipag-ugnayan ang Kampanyang Pampublikong Edukasyon tungkol sa COVID-19 ng We Can Do This sa mga organisasyong nakabase sa komunidad bilang kanilang mga kasosyo para pataasin ang pagtanggap ng bakuna at booster sa buong bansa.

Ginawang makatao ang mga namatay dahil sa COVID-19 ng pakikipagsosyo ng Pacific Island Ethnic Art Museum (PIEAM) at Empowering Pacific Islander Communities (EPIC) sa pamamagitan ng isang pinangangasiwaang eksibit sa komunidad na pinamagatang, Toe Fo’i: The Return. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkukuwento mula sa anim na artista mula sa Pasifika, inilalarawan ng Toe Fo’i: The Return ang isang salaysay na “nagpapaalala sa mga bisita na ang mga kuwento ng mga namatay ay ang mga kuwento ng mga nakaligtas,” ang sabi ni Kiki Rivera, PIEAM Guest Curator at EPIC Storyteller.

”Sinalanta ng COVID-19 ang ating mga Native Hawaiian at Pacific Islander,” ang sabi ni Rivera, ”Ang dedikasyon namin sa paghahatid ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng mga bakuna at booster ay kapantay ng dedikasyon namin sa paggabay sa ating mga komunidad sa gitna ng mga balakid gaya ng maling impormasyon, takot, kawalan ng tiwala, at pagkadama ng pagkakaroon ng karapatan na nakapaligid sa paksa.”

Narito ang mga dapat malaman ng mga tao tungkol sa mga booster laban sa COVID:

Ang mga booster ay nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon laban sa malubhang sakit at kamatayan. Sa paglipas ng panahon, maaaring mabawasan ang bisa ng mga bakuna sa pag-iwas sa COVID, at hindi dahil nagka-COVID ka na ay hindi ka na magkaka-COVID muli. Kapag nagpa-booster, tatagal ang iyong proteksyon at mapapanatili kang mas ligtas mula sa lumilitaw na mga bagong variant. Ang booster shot ay isa pang dosis na — gaya ng iminumungkahi ng pangalan — nakakapag-boost o nakakapagpalakas ng immunity sa virus habang lumilipas ang panahon. Ang mga bakunadong indibidwal na nagpa-booster na din ay malamang na hindi magkasakit; pero kung magkasakit man sila, karaniwan nang hindi ito gaanong malubha. Para sa mga nasa hustong gulang na 65 taong gulang o mas matanda, maaaring mas higit pa sa doble ang maibibigay na proteksyon ng mga booster sa kanila.

Pinoprotektahan ng mga bakuna at booster ang mahihinang populasyon laban sa COVID. Ang lahat ng 5 taong gulang o mas matanda na nakumpleto na ang kanilang unang serye ng pagbabakuna laban sa COVID ay dapat na magpa-booster. Ang mga indibidwal na updated ang mga bakuna laban sa COVID ay hindi lang nakakatanggap ng proteksyon para sa kanilang sarili, kundi natutulungan din nilang bawasan ang pagkalat ng COVID sa mga tao na lubhang nanganganib dahil sa kanilang edad o mahinang immune system.

Nagbibigay ng dagdag na proteksyon ang ikalawang booster para sa mga tao na lubhang nanganganib. Puwede pang mas mapalakas ang proteksyon ng mga nasa hustong gulang na 50 taong gulang o mas matanda at mahina ang immune system sa pamamagitan ng ikalawang booster. Inirerekomenda ng CDC ang ikalawang booster, sa pamamagitan ng alinman sa bakuna ng Pfizer o Moderna, para sa:

  • Mga taong 50 taong gulang o mas matanda na nagpa-booster, pagkalipas ng apat na buwan o higit pa,
  • Mga taong nabakanuhan ng bakunang Janssen ng Johnson & Johnson at ang mga tumanggap nito bilang kanilang unang booster, na di-bababa sa apat na buwan na nakalipas,
  • Mga residenteng nasa kaayusan ng pangmatagalang pangangalaga,
  • Mga taong may sakit o medikal na kondisyon na nakakaapekto sa kanilang immune system, at
  • Mga taong buntis at nagbuntis kamakailan.

Madaling makukuha ang mga booster para sa lahat ng bakunadong indibidwal na 5 taong gulang o mas matanda. Gaya ng mga bakuna, ang mga booster shot ay makukuha nang walang bayad ng sinumang nakatira sa Estados Unidos. Ang mga taong nabakunahan ng bakunang Pfizer o Moderna ay dapat na magpa-booster, limang buwan pagkatapos ng paunang dosis. Maaaring piliin ng mga bakunadong nasa hustong gulang na 18 taong gulang o mas matanda ang kahit anong available na bakuna bilang booster, anuman ang uri o brand ng bakuna ang kanilang tinanggap noon. Ang mga bakuna ng Pfizer lang ang available bilang booster para sa mga nasa edad na 5 hanggang 17 taong gulang.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.vaccines.gov.

Translate »