Ang 2020 Senso ay matatapos na sa Oktubre 15, 2020. Narito ang nangungunang tatlong bagay na kailangan mong malaman tungkol sa sensong ito: katayuan ng bilang, kung paano malalaman kung nabilang ka na, at kung ano ang gagawin kung ang isang census taker ay bumisita sa iyong tahanan sa buwang ito.
Mahigit sa 99 porsyento ng bansa ang nabilang na.
Kabilang ang lahat ng mga tumugon na tinulungan ng mga census takers at ang mga tumugon na hindi nangailangan ng tulong ng census takers, higit sa 99 porsyento ng mga sambahayan ng bansa ang nabilang na.
Gayundin, ang porsyento ng mga sambahayan na tumugon online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo ay lumampas sa porsyento ng mga sambahayan na tumugon noong 2010 Senso. Dalawa sa bawat tatlong sambahayan ang tumugon sa 2020 Senso na hindi nangailangan ng tulong ng census taker (umabot sa 66.7 porsyento noong Oktubre 4, 2020).
Noong 2010 Senso, 66.5 porsyento ng mga sambahayan ang tumugon na hindi nangailangan ng tulong ng census taker. Ang mga census taker ay patuloy na sumusubaybay sa bawat sambahayan na hindi pa tumutugon.
Sinusubaybayan ng mga census takers ang mga natitirang mga sambahayan. Kung sakaling bumisita ang isang census taker sa iyong tahanan o di kaya ikaw ay tawagan sa telepono, paki-tulungan siya kahit na ikaw ay tumugon na.
Kung hindi ka pa nakatugon, ngayon ang oras para tumugon sa senso. Kung ang isang census taker ay kumatok sa iyong pintuan o tumawag sa iyo, paki-sagot ang kanyang mga katanungan.
Kung tumugon ka na at kontakin ka ng isang census taker, pagpasyensiyahan mo na po siya at kung maaari ay tulungan mo po siya.
Kung wala ka sa iyong tahanan kapag bumisita ang isang census taker, siya ay mag-iiwan ng isang “abiso ng pagbisita” sa iyong pintuan. Kasama sa abisong ito ang impormasyon kung paano ka maaaring tumugon online o sa pamamagitan ng telepono at kasama rin sa impormasyong ito ang iyong Census ID. Ang ID na ito ay magli-link ng iyong tugon sa iyong address. Ang Census ID na ito ang gagamitin mo kapag ikaw ay tumugon sa senso online, sa telepono o kapag bumalik ang census taker upang tulungan kang tumugon sa senso.
Kung kontakin ka ng isang census taker tungkol sa isang kalapit na address, paki-sagot ang kanyang mga katanungan. Posible na ang Census Bureau ay nahihirapan na maabot ang kung sino man ang naninirahan sa address na iyon. Ang inyong kooperasyon ay makakatulong sa Census Bureau na makumpleto ang senso para sa inyong komunidad.
Kung hindi ka sigurado kung nabilang ka na, sige lang, sagutin mo pa rin ang senso. Aalisin namin ang mga duplicate na sagot.
Kung hindi mo matandaan kung tumugon ka na o hindi mo makumpirma kung may ibang nakatira sa iyong tahanan na tumugon na para sa iyo, sagutin mo pa rin ang senso online o sa pamamagitan ng telepono, o mag-cooperate ka sa isang census taker kung ito’y bumisita o tumawag.
Maaari ka pa rin tumugon sa 2020 Senso ngayon online sa 2020cenus.gov, o tumawag sa 844-478-2020, o sa pamamagitan ng pag-mail ng paper questionnaire. Bisitahin ang 2020census.gov at gamitin ang natanggap mong Census ID sa koreo. Kung wala ka nito, gamitin mo ang iyong address—huwag ang PO Box number. Maaari kang tumugon online o sa pamamagitan ng telepono sa English, Spanish, at 11 iba pang mga wika at humingi ng tulong sa marami pang ibang wika online. Ang Census Bureau ay nagpadala ng huling paalala at paper questionnaire sa ilang mga sambahayan. Maaari mong kumpletuhin ang paper questionnaire at i-mail ito pabalik.
Tandaan na isama ang bawat isa sa naninirahan at nananatili sa iyong sambahayan sa halos lahat ng oras simula noong Abril 1, kabilang ang mga bagong silang na sanggol, roommates, iba pang miyembro ng pamilya, o iba pa. Tandaan na ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay dapat isama sa bilang kung saan sila karaniwang nakatira. Ang mga mag-aaral na naninirahan sa student housing ay nabilang na sa tulong ng mga kolehiyo o unibersidad. Gayunpaman, ang mga mag-aaral na naninirahan sa labas ng campus ay dapat tumugon para sa kanilang address sa labas ng campus, kahit na pansamantala silang nananatili sa kanilang mga magulang habang sila’y nakabakasyon mula sa paaralan.
Aalisin ng Census Bureau ang mga duplicate na tugon. Mas gugustuhin nilang alisin ang mga duplicate na sagot kaysa makaligtaan ang iyong tugon at isapanganib ang pagkakaroon ng representasyon at mga kinakailangang pondo ng iyong komunidad.