1-800-446-1114
Pinalawak ng Child Care Aware ng Washington Family Center ang mga operation nito upang magsilbi bilang hub sa pagtugon, mapagkukunan at referral sa pangangalaga ng bata sa buong estado sa panahon ng COVID-19 pandemic. Ang Family Center, na pinatatakbo ng Child Care Resources, ay susuportahan ang mga pamilyang nangangailangan ng pangangalaga sa bata, mga nag-aalaga ng bata na nangangailangan ng pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID at mga suportang pangkaligtasan, pati rin ang mga employer na nangangailangan ng mga opsyon sa pangangalaga ng bata para sa kanilang mga empleyado. Mapaglilingkuran kaagad ng aming pinalawak na call center ang mga tumatawag at nang nasa kanilang mga katutubong-wika.
Ang Sentro para sa Mga Pakikipag-ugnayan, Pagtugon at Referral sa COVID ng Child Care:
• ay direktang inuugnay ang mga pamilya sa mga bakanteng slot para sa pangangalaga ng bata, na partikular na nakatuon sa mga kinakailangang manggagawa (essential worker), mga unang rumeresponde at mga pamilyang gumagamit ng mga subsidiya ng pangangalaga sa bata upang bayaran ang pangangalaga.
• sinusubaybayan ang mga pagbubukas at pagsasara ng pangangalaga ng bata upang matiyak na mayroon kaming pinakabagong mga pagbubukas para sa pangangalaga ng bata upang pinakamahusay na iugnay ang mga pamilya sa pangangalaga – mayroon din kaming kakayahang direktang tumanggap at tumugon sa mga text message sa pamamagitan ng 1-800 na numero at nang sa gayon ay maaari kaming aktwal na i-text ng mga provider sa mga kasalukuyang pagbubukas o pagsasara.
• tinutulungang manatiling bukas ang mga programa ng pangangalaga ng bata, kung pipiliin nila, at iaakma ang kanilang pangangalaga upang isama ang mga bagong hakbang na pangkaligtasan, mga batang nasa edad na pumapasok sa eskuwela, pangangalaga na may kaugnayan sa epekto ng trauma at iba pang lilitaw na mga pangangailangan.
Dahil sa aming pakikipagtulungan sa mga pamilya at mga tagapag-alaga ng bata sa nakalipas na 30 taon, kami ay pinagkakatiwalaang mapagkukunan para sa mga masyadong naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Ang aming pagtugon ay binibigyan ng impormasyon ng palagiang pakikipag-ugnayan at mga update na pang-estado at ng lokal na pampublikong opisyal sa kalusugan, ang Kagawaran ng Mga Bata, Kabataan at Pamilya, mga distrito ng paaralan sa buong estado at iba pang katuwang sa pagtugon. Narito kami upang tulungan ka.