Hunyo 12, 2020 – Patuloy na sinusubaybayan ng U.S. Census Bureau ang mga epekto ng COVID-19 sa pagpapatakbo ng 2020 Senso at patuloy nitong sinusunod ang gabay ng mga pederal, pang-estado at lokal na health authorities upang tiyakin na ligtas ang aming mga tauhan at ang publiko. Handa ang Census Bureau na ipahayag ang pagpapatuloy ng iba pang mga operasyon at saka operasyon ng Update Leave at pag-fingerprint ng mga bagong hire, na nagaganap na, upang isagawa ang isang kumpleto at tumpak na 2020 Senso.
Kasalukuyan, higit sa 91 milyong sambahayan na ang tumugon sa 2020 Senso. Maaari pa ring tumugon ang mga tao online, sa telepono o sa pamamagitan ng koreo —nang hindi kinakailangang makipagkita sa isang census taker.
Kasama sa operational updates na naka-outline sa ibaba ang operasyon ng Nonresponse Followup, partnership events, programa ng Mobile Questionnaire Assistance (MQA), at ang pinagsamang komunikasyon at kampanya para sa pakikipagtulungan.
Ang Census Bureau ay magsisimula ng soft launch ng Nonresponse Followup.
Ang Census Bureau ay regular na nagkakaroon ng “soft launch” ng kanilang mga operasyon upang matiyak na ang mga sistema at field plans ay gumagana nang maayos. Simula sa kalagitnaan ng Hulyo, anim na tanggapan ng census (ACOs) (isa sa bawat rehiyon ng census) ang magsisimula ng pakikipanayam sa mga kabahayan na hindi pa tumutugon sa 2020 Senso. Ang anim na ACO ay ipapahayag sa katapusan ng Hunyo. Ang mga karagdagang ACO ay ipapahayag para sa pangalawang soft launch na magaganap sa Hulyo. Bukod sa mga ACO na bahagi ng soft launch, sisimulan ng natitirang ACO ang Nonresponse Followup sa Agosto 11 at magtatapos sa Oktubre 31 at hindi lalampas sa araw na ito.
Ang lahat ng census takers ay bibigyan ng pagsasanay sa mga social distancing protocols. Sila ay bibigyan ng PPE at susundin nila ang mga lokal na patnubay sa paggamit nito.
Ipinagpatuloy na ng Census Bureau’s Community Partnership and Engagement Program (CPEP) ang mga kaganapan kung saan ang mga tao ay maaaring magpakita nang personal.
Batay sa lokal na patnubay, ipinagpatuloy ng mga espesyalista sa pakikipagtulungan ang kanilang mga personal na pagsisikap sa unang bahagi ng Hunyo na magtrabaho kasama ng higit sa 370,000 na mga katuwang na samahan at dumalo sa mga personal na kaganapan sa buong bansa kung saan ligtas itong gawin. Sa nakalipas na ilang buwan, ang mga pagsisikap sa outreach ng CPEP ay kalakhang binuo ng mga virtual na pakikipag-ugnayan upang suportahan ang mga stay-at-home order at social distancing.
Ang Mobile Questionnaire Assistance (MQA) program ng Census Bureau ay binabago upang salaminin ang ating kasalukuyang kapaligiran.
Inaasahan namin na maaari nang mag-alok ang mga kawani ng MQA ng personal na tulong sa pagsagot ng palatanungan sa mga piling lugar batay sa mga kasalukuyang health conditions. Idaragdag rin sa portfolio ng mga aktibidad ng programang ito ang mga direktang pagsisikap ng outreach sa mga kapitbahayan kung saan ang pagtugon ay pinakamababa sa buong bansa. Susundin ng lahat ng kawani ng Census Bureau na sangkot sa MQA ang mga lokal na patnubay na nauugnay sa PPE at social distancing.
Ang Census Bureau ay magpapatuloy sa kampanyang pangkomunikasyon nito hanggang Oktubre 2020, kung kailan matatapos ang operasyon ng pagkolekta ng data ng 2020 Senso.
Isinagawa ng Census Bureau ang kampanyang pangkomunikasyon at inilunsad ang isang serye ng mga bagong patalastas na naglalayong paramihin ang mga tumutugon online sa 2020 Senso habang ang karamihan sa bansa ay nananatili sa bahay upang mag-social distancing. Ang karagdagang mga patalastas ay binalak para sa Hulyo, Agosto at Setyembre.
Ang pinalawak na advertising campaign ay umaabot sa mga bagong tagapanood sa 33 wika, tinataas ang kabuuan sa 45 wikang hindi Ingles na tumatanggap ng ilang antas ng paid media support. Ang pinalawak na mga wika ay makakatanggap ng ilang kumbinasyon ng mga paid search, print o digital na mga patalastas.
Bukod pa rito, pinalawak ng Census Bureau ang listahan ng mga media vendors upang madagdagan ang abot ng Census Bureau sa mga populasyon na kadalasan ay hindi nabibilang sa pamamagitan ng may bayad na mga patalastas sa mga platapormang digital, print, telebisyon at radyo.
Kasama ng mga update sa mga operasyon na naka-outline sa itaas ang pinakabagong pederal, pang-estado at lokal na mga patnubay tungkol sa PPE at mga regulasyon. Para sa safety ng aming mga tauhan at ng publiko, ang Census Bureau ay nagbigay ng PPE para sa lahat ng mga tauhan sa field, pati na rin sa mga nagtatrabaho sa mga field office. Ang mga materyales na ito ay makukuha at ipagkakaloob sa mga kawani sa simula ng operasyon. Susundin ng mga kawani ng Census Bureau ang gabay ng lokal na health official kung paano isuot ang PPE.
Ipagpapatuloy ng Census Bureau ang pag-update sa publiko tungkol sa mga operasyon ng 2020 Senso. Bisitahin ang operational timeline ng 2020 Senso para sa karagdagang mga detalye.