Pahayag mula sa Direktor ng Kawanihan ng Senso ng U.S. na si Steven Dillingham: Paghahatid ng Kumpleto at Wastong Bilang ng 2020 Senso

AGOSTO 3, 2020 — Patuloy na pinag-aaralan ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga plano ng operasyon nito sa pagkolekta at pagproseso ng data ng 2020 Senso. Ngayong araw, inaanunsyo namin ang mga update sa aming planong kabibilangan ng mga gawad sa tagapanayam (enumerator) at pagkuha ng marami pang empleyado upang mapabilis ang pagkumpleto sa pagkolekta ng data at pagbabahagi ng mga bilang bago lumampas ang itinakdang huling araw na naaayon sa batas sa Disyembre 31, 2020, gaya ng iniaatas ng batas at iniuutos ng Kalihim ng Komersyo. Ang bagong plano ng Kawanihan ng Senso ay sumasalamin sa aming nagpapatuloy na dedikasyon sa pagsasagawa ng kumpletong bilang, pagkakaloob ng wastong data ng pagbabahagi, at pagprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko at ng aming mga empleyado.

  • Kumpletong Bilang: Sisiguraduhin ng isang matatag na operasyon ng pagkolekta ng data sa field na matatanggap namin ang mga sagot mula sa mga sambahayang hindi pa sumasagot nang mag-isa sa 2020 Senso.
  • Pabibilisin namin ang aming pagbibilang nang hindi isinasakripisyo ang pagkakumpleto nito. Bilang bahagi ng aming binagong plano, magsasagawa kami ng mga karagdagang sesyon ng pagsasanay at magbibigay ng mga gawad sa mga tagapanayam (enumerator) bilang pagkilala sa mga nagtrabaho nang maraming oras. Pananatilihin din namin ang paggamit sa mga computer device na phone at tablet para sa pagbibilang nang mahabang oras hangga’t maaari.
  • Tatapusin namin ang pagkolekta ng data sa field bago lumampas ang Setyembre 30, 2020. Ang mga opsyon sa pagsagot nang mag-isa ay magtatapos din sa petsang iyon upang pahintulutan ang pagsisimula ng pagproseso ng data. Sa ilalim ng planong ito, nilalayon ng Kawanihan ng Senso na matugunan ang kahalintulad na antas ng mga sagot ng sambahayang kinolekta sa mga nakaraang senso, kabilang pag-abot sa mga mahirap bilanging komunidad.
  • Wastong Data at Mahusay na Pagproseso: Sa oras na mailagay namin sa aming mga ligtas na system ang data mula sa sariling pagsagot at nakolektang data sa field, pinaplano naming repasuhin ang pagiging kumpleto at wasto nito, i-streamline ang pagpoproseso nito, at bigyang priyoridad ang mga bilang ng pagbabahagi upang maabot ang itinalagang huling araw na naaayon sa batas. Dagdag dito, pinaplano naming paramihin ang aming staff upang masigurong patuloy ang buong kapasidad ng mga operasyon.
  • Maiaakmang Disenyo: Ang aming mga operasyon ay nananatiling umaakma at ang mga karagdagang mapagkukunan ay makakatulong sa pagpapabilis ng aming gawain. Patuloy na susuriin ng Kawanihan ng Senso ang data at mga pangunahing pamamaraan mula sa trabaho sa field nito upang masiguro na ang aming operasyon ay mabilis at nakatuon sa pagtugon sa aming mga petsa ng paghahatid na naaayon sa batas. Mangyari pa, nauunawaan naming may mga bagay na maaaring mangyari na walang sinuman ang makakakontrol, gaya ng mga karagdagang kumplikasyon mula sa masamang panahon o iba pang mga likas na sakuna. 
  • Kalusugan at Kaligtasan: Patuloy naming bibigyan ng priyoridad ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga empleyado at ng publiko. Patuloy na susundin ng aming staff ang Pederal, pang-estado (state), at lokal na gabay, kabilang ang pagkakaloob ng mga pagsasanay tungkol sa kaligtasan at personal na pumuprotektang kasuotan sa staff sa field.

Patuloy ang Kawanihan ng Senso sa gawain nito sa pagtugon sa mga iniaatas ng Ehekutibong Utos 13,880 na inilabas noong Hulyo 11, 2019 at ng Memorandum ng Pangulo na inilabas noong Hulyo July 21, 2020. Isang pangkat ng mga eksperto ang pinag-aaralan ang mga pamamaraan at opsyong gagamitin para sa layuning ito. Patuloy ang pagkolekta at paggamit ng nauukol na administratibong data.

Dedikado kami sa isang kumpleto at wastong 2020 Senso. Hanggang sa kasalukuyan, 93 milyong sambahayan, halos 63 porsyento ng lahat ng sambahayan sa Bansa, ang tumugon sa 2020 Senso. Sa pagpapatuloy mula sa aming matagumpay at makabagong opsyon ng pagsagot sa internet, ang mga dedikadong kababaihan at kalalakihan ng Kawanihan ng Senso, kabilang ang aming pansamantalang empleyadong ipapadala sa mga komunidad sa buong bansa sa mga darating na linggo, ay magtatrabaho nang mabuti upang maisakatuparan ang wastong bilang.

Nagpapasalamat kami sa suporta ng aming daan-daang libong kasosyong nakabase sa komunidad, negosyo, estado (state), lokal at tribo para sa mga pagsusumikap na ito sa ating Bansa.  Ang 2020 Senso ay para sa ating lahat. Kung may kilala kang hindi pa sumasagot, mangyaring hikayatin siyang gawin ito ngayong araw online sa 2020census.gov, sa telepono, o sa pamamagitan ng koreo.

Translate »