Nakikita ni Michelle Hanabusa, founder at creative director ng WEAREUPRISERS, ang common thread between fashion at 2020 Senso: “Ang iyong kasuotan ay ang kung ano ang iyong isinasagisag. Ang suot mo ay ekspresyon ng kung sino ka.” Gaya nito, para kay Hanabusa, ang 2020 Census ay tungkol sa representasyon ng Asyanong Amerikano at pagpapakita, sa bilang, kung sino tayo. Ginagamit ni Hanabusa, sa pamamagitan ng UPRISERS, ang fashion upang i-promote ang 2020 Senso.
Si Hanabusa ay nagtayo ng streetwear brand from the ground up habang siya’y nananatiling malapit sa komunidad. Pinili niya ang pangalang UPRISERS sapagkat ang salitang ito ay kumakatawan sa kanyang hangarin na maging totoo sa kanyang sarili at mamuhay ayon sa kanyang mga values na gumawa ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng lipunan. Noong nakaraan, nakipagsosyo siya sa iba’t ibang mga grupo upang madagdagan ang kaalaman ukol sa mga impotanteng isyu, kabilang ang isang kamakailang kampanya upang labanan ang bias laban sa mga Asyano.
Ngayon siya ay sabik mag-collaborate sa 2020 Senso upang magamit ang kanyang platform at maging bahagi ng isang pambansang pagsisikap upang mabilang ang mga Asyanong Amerikano. Pinupuno ng mga civic-minded platform tulad ng UPRISERS ang gap sa panahon na ito ng COVID-19 na huminto sa mga pampublikong pagtitipon, pinigilan ang mga tao na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay, at nagdulot ng malaking pagkagambala sa mga normal na operasyon sa lahat ng mga industriya.
Ang mga batang Asyanong Amerikano—marami kung sino ay nangunguna sa mga sining at mga organisasyon na may ugnay sa larangan ng entertainment—ay nagpapakita ng mga iba’t ibang paraan ng komunikasyon habang ang karamihan ay nananatiling safe sa kanilang mga tahanan. Sa pakikipagtulungan sa 2020 Senso, ang mga organisasyong ito ay sama-samang umabot sa milyun-milyong mga tao online sa kanilang mga key programs at virtual events, tulad ng Gold House’s annual A100 List, na nagbibigay parangal sa mga Asyanong Amerikano na nagkakaroon ng cultural impact.
Gold House hosts a virtual town hall on the economy and politics, featuring speakers from top left to right: Richard Lui, MSNBC anchor; Amrita Ahuja, CFO of Square; Andrew Yang, former 2020 presidential candidate; Betty Liu, executive vice chairman of New York Stock Exchange; Richard Lui, MSNBC anchor; Tim Wang, TDW+Co founder and principal; and Jose Antonio Vargas, founder of Define American.
Si Minji Chang, mula sa performing-arts nonprofit Kollaboration, ay sabik na tumulong na ipaalam sa mga tao ang tungkol sa kung ano ang nakatala sa 2020 Senso. Nakikita niya ang koneksyon sa accurate na census data at kung maaaring suportahan ng pampublikong pondo at mga community resources ang mga Asyanong Amerikano sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng healthcare at housing.
Bilang isang miyembro ng board of directors ng Kollaboration, si Chang ay tumutulong sa paghubog ng isang nakakakumbinsing paliwanag upang turuan ang mga Asyanong Amerikano tungkol sa census at hikayatin sila na tumugon on their own. Naniniwala siya na mas epektibo kung mag-apela siya sa kanila sa pamamagitan ng kanilang emosyon.
“Mahalagang iparamdam sa mga tao na sila’y mahalaga at maaari silang gumawa ng diperensya para sa isang taong pinapahalagahan nila,” sabi ni Chang.
Sa pamamagitan ng virtual events, pino-promote ng Kollaboration ang 2020 Senso upang maabot ang hard-to-count na mga populasyon, kabilang ang mga millennial na mga Asyanong Amerikano at ang kanilang mga imigrante at nakatatandang mga kamag-anak na malamang ay limitado ang kasanayan sa wikang Ingles.
“Ang parent aspect ay napakalakas. Minsan mas pinapahalagahan ng mga tao ang kanilang pamilya kaysa sa kanilang sarili,” sabi niya.
Ang Kollaboration ay kilala para sa kanilang mga regional live talent showcases ngunit ito ay lumaki na upang isama ang kanilang taunang EMPOWER Conference kung saan nitong nakaraang Mayo, ito’y ginanap virtually at ang mga panel at workshop tungkol sa mga isyu ng representasyon sa media at higit pa ay dinaluhan ng libu-libong mga tao.
Ibabaw sa kaliwa hanggang sa kanan: Minji Chang, Kollaboration; Alton Wang, community organizer; Tim Wang TDW+Co Founder at principal; Theresa Vu, embahador ng The 2020 Project; at Kavi Vu, co-founder ng Wake Up Atlanta.
Si Tim Wang, founder at principal ng TDW+Co, ang opisyal na communications partner sa mga komunidad na Asyanong Amerikano para sa 2020 Senso, ay nagsalita sa isa sa mga panel, “It’s Time to Be Heard.” Nagbahagi si Wang ng mga pamamaraan para marinig ang mga tinig ng mga Asyanong Amerikano sa pamamagitan ng 2020 Senso. Upang palakasin ang communications campaign, ang TDW+Co ay nag-mobilize ng mga creative arts groups online ng mga pinagkakatiwalaang mga tinig upang magbahagi ng mga kwento at magkaroon ng mga discussions sa kanilang malawak na mga network.
Ang Kollaboration ay isa sa mga maraming organisasyon na nag-collaborate sa TDW+Co upang paramihin ang response rate sa 2020 Senso. Later this year, sila’y magkakaroon ng isang virtual event kung saan mga performers at speakers na Asyanong Amerikanong will be featured upang ipaalala sa lahat ang tungkol sa census.
Ang International Secret Agents (ISAtv) ay isa pang performing arts group na sumali sa initiative na ito at nagdala ng kanilang collective power bilang influencer. Ang ISAtv ay may karanasan sa paglikha ng original content sa mga topics na relevant sa mas batang henerasyon ng mga Asyanong Amerikano.
Mga co-host at panauhin sa episode ng Lunch Break podcast (mula sa ibabaw at kaliwa hanggang kanan): Mga team members ng Wong Fu Productions na sina Wesley Chan at Benson Quach; Dan Matthews mula sa ISAtv; featured guest na si Tim Wang, founder at principal ng TDW+Co.
Ang 2020 Senso ay na-feature sa isang episode ng kanilang Lunch Break video podcast. Pinangunahan din nila ang digital na outreach effort na nagpahintulot sa kanila na matugunan ang mas malawak na komunidad ng mga Asyanong Amerikano kung saan sila naroroon—sa kanilang sopa sa kanilang tahanan o, sa ngayon, sa kanilang home office.
Si Dan Matthews, managing director ng ISAtv, at ang kanyang team ay nagtrabaho kasama ng mga influencers na mag-post ng content sa social media na sumasakop sa limang magkakaibang wikang Asyano: Chinese Mandarin, Japon, Koreano, Taglish, at Vietnamese.
Ang social media content ay nagsilbing patnubay kung ano ang maaaring gawin ng mga batang Asyanong Amerikano sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanilang mga magulang at mga nakakatandang mga kamag-anak upang sila’y masama sa bilang ng census. Hinikayat ng pangkat ng Asyanong Amerikanong influencers ang kanilang mga tagasunod sa social media, na nasa edad na mula 18 hanggang 35, na tulungan ang kanilang mga first-generation na mga magulang na maunawaan na safe at madaling kumpletohin ang senso. Ang ilan sa mga kilalang tao na kabilang ay ang Olympic figure skater na si Mirai Nagasu, musikero na si Cathy Nguyen, at musikero na si AJ Rafael.
Mga 2020 Senso social media influencers (mula kaliwa hanggang kanan): Cathy Nguyen, AJ Rafael, Joon Lee (gitna), Lucia Liu, at Mirai Nagasu.
“Bilang isang kumpanya na naka-focus sa pag-angat ng komunidad ng Asyanong Amerikano, kung minsan mahirap makahanap ng mga pisikal na bagay upang masukat ang aming epekto. Ang 2020 Senso ay isang maliwanag na paraan upang maabot ang aming komunidad at sabihin sa kanila na ito ay kung paano ka makakaroon ng diperensya,” sabi ni Matthews.
Kinikilala ng mga creative professionals na Asyanong Amerikano na ang pag-increase ng curiosity ay isang paraan upang turuan ang komunidad tungkol sa 2020 Census sa nakakaaliw at makabuluhang paraan. Hindi lamang ito lumilikha ng mga koneksyon habang ang mga tao ay naka-isolate sa bahay, ngunit lumilikha din ito ng mga pagkakataon na matuto.
Isinalaysay ni AJ Rafael, isang Pilipinong Amerikanong musikero ang tungkol sa kauna-unahang pagkakataon na narinig niya ang tungkol sa census: Nakakita siya ng population size sa isang sign sa freeway at tinanong niya ang kanyang ina kung saan nakuha ang bilang na iyon. Ito pala ay nanggaling sa census data. Bagaman natutunan niya ito habang lumalaki, ang iba ay hindi na-expose sa impormasyong ito. At iyon ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga kabataan na maunawaan ang kahalagahan nito at maikalat ang mensahe sa kanilang sariling mga network.
“Karamihan sa aking tagapakining ay kasabay kong lumaki, kaya ipinapalagay ko na halos magkakapareho kami ng edad at marahil ay nagsasarili sa kauna-unahang pagkakataon mula noong huling senso o marahil katatapos lamang ng kolehiyo,” sabi ni Rafael. “Anumang paalala mula sa isang taong sinusundan mo para sa isang bagay na tulad nito ay nakapagpapasigla.”
Ang UPRISERS ay naglunsad ng isang Instagram filter na nagsusukat ng kung ano ang alam ng mga tao tungkol sa 2020 Senso.
Alam ni Hanabusa mula sa UPRISERS na ang mga tao ay may mga katanungan tungkol sa census, tulad ng kung safe tumugon dito o kung dapat ikaw ay isang citizen para tumugon. Nais niyang bigyang pansin ang 2020 Senso sa pamamagitan ng mga posts sa social media na nakakaaliw, shareable, at di madaling makalimutan. Naglunsad sila ng isang Instagram filter na sumusulit sa mga tao tungkol sa kung ano ang alam nila tungkol sa senso. Inaasahan nilang ito ay makakatulong na iwasto ang mga misconceptions tungkol sa senso.
Bagaman hindi direktang maabot ang hard-to-count na mga taong may limitadong access sa internet, ang mga outreach methods ng mga organisasyong ito ay maaaring umabot sa mas malaking komunidad ng mga Asyanong Amerikano sa isang madali at nakakaaliw na paraan. Ang iba’t ibang mga paraan na ginagamit ng mga organisasyon na naka-feature dito ay mga halimbawa ng magkakaibang strategies na magagamit natin upang mahikayat ang mga tao na gumawa ng isang bagay para sa kanilang sarili at para sa buong komunidad.
Dahil sa lumalaking impluwensya ng mga Asyanong Amerikano sa Estados Unidos, nararapat na tayo’y kumilos ngayon. Maaari kang tumugon ngayon online sa my2020census.gov sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang 2020CENSUS.GOV/tl.