Journey at Pechanga Host sa ika-5 CM Pro-Am sa Abril 4 at 5

Ang Journey sa Pechanga ay host sa ika-15 Taunang Pro-Golf na Torneo ng Character Media sa Abril 4 at 5, 2022. Ito ang marka ng ika-9 na taong  pagtatakda ng kursong pang-kampyon sa gitna ng Temecula rolling hills  na nag host sa torneo bilang opisyal na isponsor. Ang Journey sa Pechanga ang premyadong kampeon para sa kursong golf ng Pechanga Resort Casino, higit na kilala ng mga Asyanong golfers.

Ngayong taon, ang tees off ng torneo na may 30 bihasang LPGA na golfers at VIP na mga bisita ay isasailalim ng patuloy na kalusugan at seguridad bilang protokol ng Pechanga. Lahat ng mga dadalo kabilang ang manlalaro at mga bisita ay bibigyan ng agarang pagsusuri bago makapasok.

Ang CM 2022 Pro-Am ay naghahatid ng maraming natatanging LPGA na propesyunal ng golfers kabilang sina Megan Khang, Angel Yin, Na Rin An, Alison Lee, Chella Choi, at Mi Hyang Lee.

Si Megan King ay isang Laotian American na propesyunal

 golfer at nagmamalaki sa kanyang total na $3.17M kita są trabahong ito. Kasalukuyang may ranggong ika-36 sa Rolex Rankings, si Megan ay nanalo ng kanyang unang LPGA Tour torneo noong 2016 sa edad na 14.

Habang is Angel Yin naman ay sumapi sa LPGA Tour noong 2015 bilang super rookie. Siya’y may ranggong ika-85 sa Rolex Rankings at nakapagtala ng $1.75M total na kinita sa kasalukuyan.

Samantala, si Na Rin An ang isa sa mga inaasahang magiging rookie ng taon. Dalawang beses nanalo sa LPGA Tour sa Korea, si An ay gumagawa ng kanyang U.S. Women’s Open upang mag debut ngayong taon. Kasalukuyang may ranggong ika-56 sa Rolex Rankings.

Si Chella Choi, may Rolex Rankings na 115, ay natnalo ng pinakamahusay sa panahong iyon sa T17 resulta sa Cambria Portland Classic. Siya ay isa sa mga 12 manlalaro na nakapagtala ng pinakamataas sa Tour ng 2020. Siya sa ngayon, ay may pinakamataas na kita sa larangang ito ng $6.23M sa lahat ng mga kalahok na manlalaro.

Ang mga sumusunod na LPGA na superstars ay lalahok rin sa laro: Annie Park, Kelly Tan, Robynn Ree, Jennifer Chang, Jillian Hollis, Yae Eun Hong, Sarah Jane Smith, Mo Martin, Jiwon Jeon, Roberta Liti, Sydnee Michaels, Brianna Do, Vicky Hurst, Ilhee Lee, Greta Voelker, Rebecca Lee-Bentham, Tisha Alyn Abrea, Kaley In, Julie Aime, Kum Kang Park, Gabriella Then, Amy Lee, Suu-Chia Cheng, and Hanule Sky Seo. Ang elite na grupong 30 pro golfers ay makikipagtunggali sa bawat isa sa nakapananabik at napakasiglang kurso, kasama ng kanilang mga tagahanga at partners sa golf.

Sa kahabaan ng torneo, ang tee sponsors ay makapag-swing  rin ng kanilang clubs kasabay ng mga talentong atleta ng golf. Matutuklasan ng mga sponsors kung sinong LPGA Pro golfers ang kanilang makakatunggali sa gabi bago pa man ang torneo. Ang torneo ay mag-uumpisa alas 10 a.m. sa ika-5 kasunod ng maikling komperensiya sa press para sa mga manlalaro. Ang mga manlalaro ay makikipagtunggali sa isang 18-hole na ibat-ibang torneo at ang grupo na may mababang iskor ay mananalo ng pinag-aagawang CM Pro-Am Cup. Ang  pinakamataas na naitalang iskor na pinayagan ay siyang itatampok.

Patungkol sa Journey at Pechanga

Ang Journey sa Pechanga ay pang-kampeon na kurso sa golf, isa sa mga natatanging amenidad sa Pechanga Resort Casino, ay patuloy na may rata bilang mataas na pampublikong kurso sa California. Kapag pinag partner ng golfers ang kanilang laro sa isang luxurious na pamamalagi sa katabing resort, ang halaga ng eksperiyensa ay tumataas. Bisitahin ang pechanga.com o tumawag sa resort bago pa bumisita upang masiguro na kayo ay may bagong kaalaman sa mga protokol sa kalusugan at seguridad.

Translate »