Bagong kampanya nilalayong bigyan-kakayahan ang mga Asian American na komunidad gamit ang mga nakaliligtas-buhay na kakayahan sa CPR

Inisyatibong “Handa Ka na Ngayong Araw” para maisara ang agwat ng kumpiyansa at mapabuti ang bilang ng mga nakaliligtas sa cardiac arrest sa mga Asian American

DALLAS, Mayo 15, 2024 — Ayon sa pananaliksik ng American Heart Association, isa sa apat na Asian American lang ang may kumpiyansang maisasagawa nila nang wasto ang Hands-Only CPR. Ang istatistika na ito ay mas mababa kapag ikinumpara sa pangkalahatang populasyon kung saan isa sa tatlo ang may kumpiyansa sa kanilang kakayahan na magsagawa ng CPR. Ipinakita ng parehong survey na halos 70% ng nasa hustong gulang na mga Asian American ang nag-aalinlangan na magsagawa ng Hands-Only CPR dahil nag-aalala silang masaktan ang biktima ng cardiac arrest. Sa pangkalahatang populasyon, 57% ang nagpahayag ng takot na ito. Para mapahusay ang kakayahan, kaalaman, at kumpiyansa sa CPR,, inilulunsad ng American Heart Association ang “Today You Were Ready” na pambansang kampanya na nakatuon sa pagtuturo ng Hands-Only CPR sa mga Asian American upang matutong magligtas ng buhay kapag may emerhensiya sa puso.

Inilunsad ang kampanya ngayong Mayo kasabay ng Asian American Native Hawaiian Pacific Islander Heritage Month (AANHPI). Kabilang nito ang media at edukasyon sa komunidad para bigyang-diin ang halaga ng pagiging handa na tumugon sa emerhensiya sa puso. Ang kampanya ay bahagi ng kilusang Nation of LifesaversTM ng American Heart Association, na nakatuon sa layunin na madoble ang bilang ng mga nakaliligtas mula sa cardiac arrest pagsapit ng 2030.

“Kung hindi natin ipaglalaganap ang mga kritikal na mensaheng ito, ang mga komunidad ng Asian American at taga-islang Pasipiko ay mananatiling mas malamang na mamatay sa cardiac arrest kaysa sa ibang grupo,” wika ni Joseph C. Wu, M.D., Ph.D., FAHA, kasalukuyang volunteer president ng American Heart Association, director ng Stanford Cardiovascular Institute at ng Simon H. Stertzer Professor of Medicine and Radiology sa Stanford School of Medicine. “Tutugunan ng kampanyang Today You Were Ready ang mga hadlang na ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng Hands-Only CPR sa komunidad.”

Ang cardiac arrest ay maaaring mangyari sa kahit kanino sa anumang oras, at kung walang maagap na CPR mula sa nakapaligid na tao, karaniwang namamatay ang biktima. Ayon sa pananaliksik sa Journal ng American Heart Association, 72% ng mga cardiac arrest na nangyayari sa labas ng ospital ay nagaganap sa tahanan. Nangangahulugan iyon na kung ikaw ay magsagawa ng CPR, malamang na ang iyong mahal sa buhay ang iyong ililigtas.

Ang cardiopulmonary resuscitation ay emerhensiyang pagtugon upang mailigtas ang buhay ng biktima ng cardiac arrest. Ang American Heart Association ay pinuno sa siyensa, edukasyon, at pagsasanay ng resuscitation at sa paglalathala ng mga opisyal na pamatnubay para sa CPR.

Sa pamamagitan ng pagpapakita sa dalawang madaling hakbang para makapagligtas ng buhay, nilalayon ng Asosasyon na alisin ang pag-aalinlangan sa pagsasagawa ng Hands-Only CPR.  Ang Hands-Only CPR ay CPR na walang pagbuga ng hangin sa bibig ng biktima ng cardiac arrest. Kapag may nasaksihan na cardiac arrest sa isang teenager o adult: 1) Tumawag agad sa 911 at 2) “Ilapat sa gitna ng dibdib ang magkapatong na kamay, at, tuwid ang mga braso, diinan nang paulit-ulit sa bilis na 100-120 kada minuto.”

Ayon sa mga pag-aaral, malabong makatanggap ng CPR ang mga kababaihan kapag sila ay nagkaroon ng cardiac arrest sa labas ng ospital kumpara sa mga lalaki.1 Lalo pang mas malaki ang agwat na ito sa mga kababaihang Asian American at taga-isla ng Pasipiko.2 Ayon sa data mula sa American Heart Association, mas malabong makatanggap ng bystander CPR ang grupong ito kaysa sa ibang populasyon. Dahil dito, mas mababa ang bilang ng nakaliligtas sa cardiac arrest. Lalo pang nakapagpapalala ang mga salik na pangkultura, mga hadlang sa wika at limitadong access sa edukasyon para sa CPR. Ang takot sa mga paratang ng di-angkop na paghawak sa katawan o ang pagaalinlangan na masaktan ang tao at ang kawalan ng pang-unawa sa Good Samaritan Law ng kanilang estado ay dahilan din ng pag-aalinlangan ng ilang tao na magbigay ng CPR.3  4 Importanteng mapabuti and kaalaman at access sa CPR sa komunidad ng Asian American at taga-isla ng Pasipiko upang mapataas ng bilang ng nakaliligtas na kababaihang dumaranas ng mga emerhensiya sa puso.

“Sa pagbigay ng inspirasyon sa aming komunidad ng Asian American na Taga-isla ng Pasipiko na matuto ng Hands-Only CPR, mapabubuti natin ang mga kinalalabasan para sa mga kababaihang Asian American at ng mga mahal nila sa buhay, lalo na sa mga nagdurusa sa pagtigil ng tibok ng puso,” ayon kay Wu.

Sa Estados Unidos, mas malamang na hindi maganda ang kalalabasan ng cardiac arrest sa labas ng ospital sa mga komunidad ng Asian American at taga-isla ng Pasipiko at iba pang populasyon na walang representasyon dahil sa structural racism at mga patakarang panlipunan na naglilimita sa access sa de-kalidad na edukasyon at pangangalaga sa kalusugan.5 6

Ayon sa resulta ng survey mula sa Asosasyon, mas malamang na akalain ng grupong ito na kinakailangan ang espesyal na training at sertipikasyon para magsagawa ng Hands-Only CPR. Mas malamang din silang mag-alinlangan na isagawa ang Hands-Only CPR dahil natatakot na magdulot ng pinsala.7 Nakadaragdag ang mga maling paniniwala na ito sa mababang bilang ng nakaliligtas (mas mababa sa 10%) mula sa cardiac arrest sa labas ng ospital, na nakakaapekto sa mahigit 350,000 na Amerikano taon-taon.8

Para malaman pa ang tungkol sa kampanya o para sumali sa Nation of Lifesavers, bumisita sa heart.org/nation.

Mga Karagdagang Pagkukunan:

# # #

Tungkol sa American Heart Association

Ang American Heart Association ay isang di-humihintong puwersa para sa mundo ng mas mahahaba, at mas malulusog na buhay. Panata namin na tiyakin ang pantay-pantay na kalusugan sa lahat na komunidad. Sa pakikipagtulungan sa maraming organisasyon, at pinatatakbo ng milyun-milyong boluntaryo, pinopondohan namin ang mga makabagong pananaliksik, itinataguyod ang kalusugan ng publiko at nagbabahagi ng mga mapagkukunang nakasasagip-buhay. Isang siglo nang nangungunang pinagmumulan ng impormasyon sa kalusugan ang organisasyong nakabase sa Dallas. Sa 2024 – ang Pang-siglong taon namin – ipinagdiriwang namin ang aming 100-taon na kasaysayan at mga nakamit. Sa pagsulong namin sa aming ikalawang siglo ng matapang na pagtuklas at epekto, mithiin namin na isulong ang kalusugan at pag-asa para sa bawat tao, sa lahat ng lugar. Makipag-ugnayan sa amin sa heart.orgFacebookX o sa pagtawag sa numerong 1-800-AHA-USA1.    

Para sa Mga Katanungan ng Media:
214-706-1173
Elizabeth Nickerson: 305-761-5932; Elizabeth.nickerson@heart.org

Para sa Mga Katanungan ng Publiko:
800-AHA-USA1 (242-8721), heart.org at stroke.org


  1. Mas mababa ang pag-asa ng kababaihan kaysa sa kalalakihan na ma-resuscitate at makaligtas sa pagtigil ng tibok ng puso sa labas ng ospital – PMC (nih.gov) ↩︎
  2. Cardiovascular Disease sa mga Hispanic/Latino sa Estados Unidos – PMC (nih.gov) ↩︎
  3. Mas malaki ang legal na peligro ng hindi pagsagawa ng CPR kaysa sa pagbigay ng tulong na nakasasagip-buhay | American Heart Association ↩︎
  4. Bahagi 1: Ehekutibong Buod: Mga Pamatnubay ng American Heart Association nang 2020 para sa Cardiopulmonary Resuscitation at Emerhensiyang Cardiovascular na Pangangalaga | Sirkulasyon (ahajournals.org) ↩︎
  5. Mas hindi karaniwan ang CPR na mulasa Naka-istmabay sa mga Hispanikong kapitbahayan | American Heart Association (Blewer, et al. Sirkulasyon. 2020;141:34–41) ↩︎
  6. Mga Pantukoy sa Lipunan ng Peligrong Cardiovascular sa mga Asian American Subgroup | Journal of the American Heart Association (ahajournals.org) ↩︎
  7. Estadistika ng Sakit sa Puso at Stroke —Update ng 2022: Isang Ulat Mula Sa American Heart Association | Sirkulasyon (ahajournals.org) ↩︎
  8. Update sa Estadistika sa Puso at Stroke ng American Heart Association 2023 (Tsao et al, Sirkulasyon. 2023;147: e93–e621) Paki-update sa 2024 sanggunian sa sakit sa Puso at Stroke ↩︎
Translate »