Isa sa mga di mabilang na serye ng walang katapusang aliwan ang ihahatid ngayong spring kasama ang pamosong aktor-mang-aawit, na si Piolo Pascual, na nangunguna kasama ang iba pang pinapipitagang mga mang-aawit na sina Sam Milby, Catriona Gray , at Erik Santos, tampok ang iba pa, sa isang live na konsiyerto sa Pechanga Resort Casino sa Linggo, Hulyo 16 sa ganap na 6p.m.
Ang Pechanga Resort Casino, matatagpuan sa I-15 Highway sa Temecula Valley, Southern California wine county, ay kilala sa pag-iimbita ng pinakamahusay at mga sikat na mga Pilipinong mang-aaliw at tagapagpalabas sa naising makapagbigay ng kakaibang karanasan sa mga espesyal na Filipino-Americans na mga patron.
Kilala bilang Piolo, ang aktor na naging producer ng pelikula ay ‘naninimbang’ pa ayon sa napaulat na pahayag sa paggawa nito ng mga prodüksiyon pampelikula ngunit sinabi anya nito, na dagsa ang kanyang mga taga suporta na nag uudyok sa kanya na tanggapin ang malaking hamong tuluyan ng gumawa ng mga pelikula.
Maliban sa abala ito sa bagong larangang napili upang lumikha ng maraming pelikulang Pilipino habang ‘nagpapa-iba-iba’ at ‘sa planong lumabas sa ibat-ibang bansa’, hindi makuhang talikuran ni Piolo ang mga imbitang pampubliko habang patuloy itong tumatanggap sa mga imbitasyon at pagganap mula lokal hanggang internasyunal.
Kagaya rin ni Sam at Catriona, ang magsing-irog, na noong Pebrero ay nag anunsyo at nagpahayag na sila’y mag-iisang dibdib na, patuloy rin silang aktibo sa kasikatang pampelikula at awitang pagtatanghal. Si Milby ay isang Filipino-American at si Gray ay na koronahan bilang 2018 Miss Universe.
Si Erik Santos, aktor at mang-aawit, modelo sa mga komersyal at host ng telebisyon, ay naging tanyag sa mga patok na awitin nito at siya ang unang nagwagi ng Pinaka Kampeyon mula sa ABS-CBN na kompetisyon sa pag-awit ‘Star in a Million’ noong Season 1 taong 2003. Si Santos ay tinaguriang “Prinsipe ng Pop.’
Isa sa pinakamagaling na naging tanyag sa industriya ng musika sa Pilipinas, si Yeng Constantino, ay isang mang-aawit at kompositor ng kanta kung saan ang patok na mga komposisyon nito ay pumalawig sa mga pelikula at pihitan ng telebisyon.
Ang tropa ay hindi kumpleto kung wala ang mga taletong musika ng mga artista sa kaganapan nina KZ Tandigan, Kyla, Inigo Pascual, Jason Dy, at Zephanie— na lahat ay tagumpay sa kani-kanyang ginagampan sa larangan ng pag-awit.
Magmadali! Ang ‘All Star’ na konsiyertong ito ay minsan lamang mangyari. Bumili ng inyong tikets sa Pechanga Box Office, o sa pagtawag sa 888-810-8871, o bumisita sa www.pechanga.com
Ilan sa mga pinagmamalaki ng Pechanga Summit ang 40,000-square feet na lugar para sa mga mang-aaliw, konsiyerto, live na kaganapan sa sports, pagttaanghal ng kalakalan, kasalan, o anu pa mang malalaking grupo na magsasagawa. Sa kabuuan, ang Pechanga ngayon ay nag aalok ng 274,500 square feet na panloob/panlabas na kontemporaryong pagpupulong at espasyo sa mga kagaanapan, na tanging nagpaibayo sa mga amenidad, espasmo at katanyagan ng mga inihahandog na kaganapan ng Pechanga.
Patungkol sa Pechanga Resort Casino
Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2003, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay nag-aalay ng mahigit 5,400 ng pinakamainit na slots, 154 table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.