APO Hiking Society 50 Years USA Concert Tour 2023 @ Pechanga Resort Casino

APO Hiking Society 50 Years USA Concert Tour 2023

Ipinagmamalaking ihandog ng Pechanga Resort Casino ang APO Hiking Society 50 Years USA Concert Tour 2023 na gaganapin sa Biyernes, Nobyembre 3 at Sabado, Nobyembre 4 sa Pechanga Theater.

Isa sa mga haligi at icons ang APO Hiking Society ng Original Pilipino Music (OPM). Nabuo noong 1969, ang grupong ito ay nakapaglabas na ng 27 albums at mayroong dalawang matagumpay na tribute albums na nagawa noong 2006 at 2007 kung saan tampok ang mga kabataang banda. Nagsimula ang grupo sa 12 miyembro pero tatlo lang ang natira para ituloy ang kanilang karera sa musikasina Danny Javier, Jim Paredes, at Boboy Garrovillo. Kalaunan, nakatanggap sila ng napakaraming awards, kasama na ang kauna-unahang Dangal ng Musikang Pilipino mula sa Awit Awards, katumbas ng Grammy Awards sa Amerika. Taong 2009, itinalaga ang APO sa Philippines Eastwood City Walk of Fame. Noong 2010, ini-retiro nina Javier, Paredes, at Garrovillo ang pangalan ng grupo matapos ang  41 na taon ng pagkanta. Sa kasamaang palad, noong 2022, pumanaw si Danny Javier  na matagal nang may sakit. Ngayon, para gawan ng selebrasyon ang kanilang 50 taon ng pagtatanghal, ang mga miyembro ng APO Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo ay darating sa  Pechanga Theater para mag-bigay aliw sa kanilang mga tagahanga.

Mag-madali! Baka minsan lang ipalabas ang APO Hiking Society 50 Years USA Concert!

Huwag palampasin! Bumili na ng ticket ngayon sa Pechanga Box Office, tumawag sa 888-810-8871, o bisitahin ang  www.pechnga.com

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mag upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago, naayong tugtuging akma sa pandinig, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.   

Mga Impormasyon Tungkol sa Pechanga Resort Casino

Nakapaghahandog ang Pechanga Resort Casino ng isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na resort/casino experiences saan man sa Estados Unidos. Ibinoto  bilang pinakamagaling na casino sa kanluran ng Amerika ang Pechanga Resort Casino ng USA Today  at   may kategoryang Four Diamond property mula sa  AAA mula pa noong 2002. Nakapagbibigay din ang Pechanga Resort Casino ng walang katulad na bakasyon, maging para sa isang araw lang o sa mas mahaba at maginhawa pang pagtigil sa resort. Naghahandog ng higit sa 5,500 ng mga pinakamaiinit na slots, 152 table games, 1,100 rooms at suite hotel, dining, luxury spa, at golf sa Journey at Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nagtatampok  ng isang destinasyon  na ‘di kayang pantayan saan man sa California. Pag-aari at pinapaandar ng Pechanga Band of Indians ang  Pechanga Resort Casino. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll free sa (877) 711-2946 o bisitahin ang www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram  at sa  X @PechangaCasino.

Translate »