Ipinagmamalaking ihandog ng Pechanga Resort Casino ang Regine Rocks concert na gaganapin sa Biyernes, Pebrero 9, alas-otso ng gabi sa Pechanga Theater.

Regine Rocks Concert

Ipinagmamalaking ihandog ng Pechanga Resort Casino ang Regine Rocks concert na gaganapin sa Biyernes, Pebrero 9, alas-otso ng gabi sa Pechanga Theater.

Si Regine Velasquez ay isang mang-aawit at aktres na Filipino. Itinuturing siya na isa sa may pinakamalaking impluwensya sa Philippine popular culture at kilala sa kanyang vocal range at belting technique. Sumikat si Velasquez pagkatapos manalo sa isang television talent show, Ang Bagong Kampeon noong 1984 at sa Asia Pacific Singing Contest taong1989. Nagkamit sya ng commercial success sa ilang Asian territories sa kanyang pang-limang album, Listen Without Prejudice, na bumenta ng mahigit sa 700,000 na kopya at sa kasalukayan ay nakatala bilang highest-selling album niya. Gumanap din na bida si Velasquez sa mga romantic comedies tulad ng Kailangan Ko’y Ikaw at Pangako Ikaw Lang kung saan siya ay hinirang na Box Office Queen mula sa Box Office Entertainment Award. Bilang Asia’s Songbird, siya as patuloy na binibigyang papuri sa pagbibigay inspirasyon sa isang henerasyon ng mga Pilipinong mang-aawit. Napakarami na niyang natanggap na mga awards, kabilang na ang MTV Asia’s Favorite Artist Philippines noong 2002 at 2003, pati na ang Entertainer of the Year mula sa Aliw Awards noong 2007, 2009 at 2019. Para sa kanilang ‘Iconic’ concert, nagtanghal si Regine Velasquez kasama si  Sharon Cuneta sa Pechanga Summit noong July 22 at July 23, 2023. Siya ay nagbabalik para gumawa ng isang mas personal na pagtatanghal para sa kanyang mga tagahanga at masayang-masaya siya na mangyayari na ito!

Magmadali, huwag mo itong palampasin! Bumili na ngayon ng tiket mo sa Pechanga Box Office,  tumawag sa 888-810-8871 o pumunta sa www.pechanga.com.

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mag upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago, naayong tugtuging akma sa pandinig, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.  

Mga Impormasyon Tungkol sa Pechanga Resort Casino 

Nakapaghahandog ang Pechanga Resort Casino ng isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na resort/casino experiences saan man sa Estados Unidos. Ibinoto  bilang pinakamagaling na casino sa kanluran ng Amerika ang Pechanga Resort Casino ng USA Today  at   may kategoryang Four Diamond property mula sa  AAA mula pa noong 2002. Nakapagbibigay din ang Pechanga Resort Casino ng walang katulad na bakasyon, maging para sa isang araw lang o sa mas mahaba at maginhawa pang pagtigil sa resort. Naghahandog ng higit sa 5,500 ng mga pinakamaiinit na slots, 152 table games, 1,100 rooms at suite hotel, dining, luxury spa, at golf sa Journey at Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nagtatampok  ng isang destinasyon  na ‘di kayang pantayan saan man sa California. Pag-aari at pinapaandar ng Pechanga Band of Indians ang  Pechanga Resort Casino. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll free sa (877) 711-2946 o bisitahin ang www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram  at sa  X @PechangaCasino

Translate »