Inilunsad ang Kampanya para sa CPR upang Pataasin ang mga Survival Rate sa Pagtigil ng Tibok ng Puso at Pagbutihin ang mga Kasanayan sa CPR sa mga Komunidad ng Asian American

Pinaigting ng American Heart Association ang kaalaman sa CPR at mga kasanayan sa mga Komunidad ng Asian American upang mas makaligtas sa pagtigil ng tibok ng puso

SEATTLE, Mayo 30, 2024 — Sa kabila ng mga progreso sa pagsasanay sa cardiopulmonary resuscitation (CPR), ayon sa pananaliksik sa consumer mula sa American Heart Association, 1 lang sa 4 na indibidwal na Asian American ang nakatitiyak na maisasagawa nila nang tama ang Hands-Only CPR, kumpara sa maitutulad na confidence rate ng mahigit 1/3 ng pangkalahatang populasyon. Ipinakita ng parehong survey na halos 70% ng nasa hustong gulang na mga Asian American ang nag-aalinlangan na magsagawa ng Hands-Only CPR dahil nag-aalala silang masasaktan nila ang taong nagkaroon ng pagtigil ng tibok ng puso. Sa pangkalahatang populasyon, ipinapahayag pa rin ng 57% ang takot na ito.

Para magkaroon ng mga kasanayan, kaalaman, at kumpiyansa sa CPR, at iwaksi ang mga pagkakaibang ito, ilulunsad ng American Heart Association ang pambansang kampanya para sa kamalayan na “Today You Were Ready (Handa Ka Na Ngayon)” na may layuning bigyang-kakayahan ang mga komunidad ng Asian American na matutunan ang Hands-Only na CPR at maging handang magligtas ng buhay. Bahagi nito ang media at community outreach upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kahandaang rumesponde sa emergency sa puso. Bahagi ang pagsisikap ng pangkalahatang Nation of LifesaversTM movement ng American Heart Association, kung saan pinagtutuunang gawing mga tagapagligtas ng buhay ang mga istambay at doblehin ang mga survival rate mula sa biglaang pagtigil ng tibok ng puso pagsapit ng 2030.

“Hangga’t hindi natin ibinabahagi ang mahahalagang mensaheng ito kaugnay ng pampublikong kalusugan, patuloy na magiging mas malaki ang posibilidad na mamatay dahil sa biglaang pagtigil ng tibok ng puso ang mga nasa komunidad ng Asian American Pacific Islander at iba pang grupong matagal nang isinasantabi kaysa sa iba pang komunidad,” ani Albert Tsai na nakaligtas sa pagtigil ng tibok ng puso, na nagsisilbi rin bilang bise presidente ng Community Impact para sa American Heart Association sa Puget Sound. “Napakapalad kong binigyan ako ng CPR ng dalawang istambay noong nawalan ako ng malay. Napakaraming tao ang hindi ganoong kasuwerte.  Maibibigay ng kampanyang ’Today You Were Ready’ sa mga komunidad ng AAPI ang mga kakailanganin nilang kagamitan at mapagkukunan upang matutunan at maisagawa ang Hands-Only na CPR.”

Maaaring mangyari ang pagtigil ng tibok ng puso sa kahit sino sa anumang oras, at kung walang maagap na CPR mula sa naka-istambay, karaniwan itong nakamamatay. Ayon sa pananaliksik sa Journal of the American Heart Association, nagaganap sa tahanan ang nasa 72% ng mga pagtigil ng tibok ng puso sa labas ng ospital. Nangangahulugan iyon na kung hiniling sa iyo na magsagawa ng CPR, malamang na para mailigtas nito ang buhay ng taong mahal mo.

Ang pagtigil ng tibok ng puso ni Jenylyn Carpio sa edad na 22 ang nagmulat sa kanya sa kahalagahan ng pagkatuto ng CPR. Pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang anak na babae, nakaramdam ang batang asawa, ina at mag-aaral ng stress at pagod. Isang araw, nag-alok ang ina ni Carpio na bantayan ang sanggol habang umiidlip siya. Ang susunod na lang niyang naalala ay binibigyan siya ng kanyang ina ng CPR at may pulis na nagtututok ng ilaw sa kanyang mga mata. Sinabihan siya ng kanyang ina na nakaranas siya ng pagtigil ng tibok ng puso.

“Sinagip ng aking ina ang buhay ko gamit ang CPR,” ani Carpio, na pagkatapos ay na-diagnose na mayroong isang genetic na kundisyon sa puso na nakakaapekto sa ritmo ng kanyang puso at nagpapalaki ng posibilidad na makaranas siya ng pagtigil ng tibok ng puso. “Maaaring matuto ang lahat na magligtas ng buhay at maaari ka ring maging manliligtas,” sinabi niya.

Isang emerhensiyang pagtugon ang cardiopulmonary resuscitation na makaliligtas sa buhay ng isang tao kung huminto ang kaniyang paghinga o puso. Sa pinakaharap ng siyensa, edukasyon, at pagsasanay ng resuscitation, ang American Heart Association ang nangunguna sa daigdig at siyang naglalathala ng mga opisyal na pamatnubay para sa CPR.

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng dalawang madaling hakbang upang magligtas ng buhay, layunin ng Association na baguhin at alisin ang nakakahadlang na pag-aalinlangan. CPR na walang pagbuga ng hangin ang Hands-Only CPR. Para lang ito sa mga teenager at mga nasa hustong gulang at isinasagawa sa dalawang hakbang:

  1. Tumawag sa 911
  2. Itulak nang malakas at mabilis ang gitna ng dibdib sa tempo na 100-120 pagtibok kada minuto.

“Sa pamamagitan ng paghihikayat sa komunidad ng Asian American Pacific Islander na matuto ng Hands-Only na CPR, mapapabuti natin ang magiging kalagayan ng kalusugan ng mga Asian American at ng mga mahal nila sa buhay, lalo na sa mga nakakaranas ng pagtigil ng tibok ng puso,” ani Tsai.

Sa Estados Unidos, may mas mataas na peligro ang mga komunidad ng Asian American Pacific Islander at iba pang populasyon na walang representasyon sa mga hindi magandang kinalalabasan ng pagtigil ng tibok ng puso sa labas ng ospital kaysa sa kalahatang populasyon, kabahagi ang matagal nang istraktura ng poot sa lahi at mga patakarang panlipunan na naglimita sa access sa de-kalidad na edukasyon at pangangalaga sa kalusugan.1 2

Ayon sa mga natuklasan sa survey mula sa Association, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng maling paniniwala ang mga matagal nang isinasantabing populasyon na kailangan ng espesyal na pagsasanay at sertipikasyon para magsagawa ng Hands-Only na CPR sa isang nasa hustong gulang o teenager, at mas malamang na mag-alinlangan silang isagawa ang kasanayan dahil sa takot na makapagdulot ng pinsala.3 Nakadaragdag ang mga maling paniniwala na ito sa mababang bilang ng nakaliligtas (mas mababa sa 10%) mula sa mga pagtigil ng tibok ng puso sa labas ng ospital, na nakakaapekto sa mahigit 350,000 na Amerikano taon-taon.4

Para matuto pa tungkol sa kampanya o para manood ng video para sa pagsasanay sa Hands-Only CPR sa English at Tagalog, bisitahin ang heart.org/nation.

Mga Karagdagang Mapagkukunan:

# # #

Tungkol sa American Heart Association

Ang American Heart Association ay isang matibay na puwersa para mas humaba at maging mas malusog ang buhay ng lahat sa mundo. Panata namin na tiyakin ang pantay-pantay na kalusugan sa lahat na komunidad. Sa pakikipagtulungan sa maraming organisasyon, at pinatatakbo ng milyun-milyong boluntaryo, pinopondohan namin ang mga makabagong pananaliksik, itinataguyod ang kalusugan ng publiko at nagbabahagi ng mga mapagkukunang nakasasagip-buhay. Isang siglo nang nangungunang pinagmumulan ng impormasyon sa kalusugan ang organisasyong nakabase sa Dallas. Sa 2024 – ang Pang-siglong taon namin – ipinagdiriwang namin ang aming 100-taon na kasaysayan at mga nakamit. Sa pagsulong namin sa aming ikalawang siglo ng matapang na pagtuklas at epekto, mithiin namin na isulong ang kalusugan at pag-asa para sa bawat tao, sa lahat ng lugar. Makipag-ugnayan sa amin sa heart.orgFacebookX o sa pagtawag sa numerong 1-800-AHA-USA1.  Hanapin kami sa Washington sa heart.org/WashingtonFacebookInstagram, X o sa pamamagitan ng pagtawag sa (206) 336-7224.

Para sa Mga Katanungan ng Publiko:
800-AHA-USA1 (242-8721), heart.org at stroke.org


  1. Mas hindi karaniwan ang CPR na mula sa Naka-istambay sa mga Hispanikong kapitbahayan | American Heart Association (Blewer, et al. Sirkulasyon. 2020;141:34–41) ↩︎
  2. Mga Kundisyong Panlipunan na Nakakaimpluwensya sa Mga Salik ng Panganib sa Puso sa Mga Asian American Subgroup | Journal of the American Heart Association (ahajournals.org) ↩︎
  3. Estadistika ng Sakit sa Puso at Stroke —Update ng 2022: Isang Ulat Mula Sa American Heart Association | Sirkulasyon (ahajournals.org) ↩︎
  4. Update sa Estadistika sa Puso at Stroke ng American Heart Association 2023 (Tsao et al, Sirkulasyon. 2023;147: e93–e621) Paki-update sa 2024 sanggunian sa sakit sa Puso at Stroke ↩︎

Translate »