Ang Concert ‘Queen and King’ – Martin and Pops Live sa Pechanga Resort Casino sa Hunyo 2

Kikiligin na naman kayo! Ang matagal nang minimithi ng lahat na mga premyadong konsiyerto ng dating magsing-irog na sina Martin Nievera at Pops Fernandez — binansagang Concert ‘King at Queen’ ng Pilipinas, ay magkakaroon ng kaganapan sa muling tambalan sa live na konsiyertong pagtatanghal sa Hunyo 2 alas- 7:30 p.m. sa Teatro ng Pechanga.

Ang Pechanga Resort Casino, matatagpuan sa I-15 Highway sa Temecula Valley, Southern California wine county, ay kilala sa pag-iimbita ng pinakamahusay at mga pinakasikat   Pilipinong mang-aaliw at tagapagpalabas sa naising makapagbigay ng kakaibang karanasan sa mga espesyal na Filipino-Americans na mga patron ng Pechanga.

Sina Martin at Pops, kapwa nag-ukit na kani-kanyang larangan sa kasikatan at naging tanyag sa nagniningning na mga entablado kabilang sa internasyunal, naging mas lalong habulin ang dalawa para sa mga live na konsiyerto at pagtatanghal na walang katumbas na kasikatan hanggang sa ngayon.

Isang sikat na ‘balladeer’ at anak ng isang icon ding ‘balladeer’ na si Bert Nievera, si Martin ay isang natatanging mang-aawit, manunulat at aktor— siya ay nagtamo ng 18 platinum, limang dobleng platinum, tatlong tripleng platinum at isang quadruple platinum na mga album sa kabuuan ng kanyang pagiging manganganta.

Bilang superstar pang-internasyunal, si Nievera ay umikot na sa U.S., Canada, Guam, sa Middle East at Singapore.

Si Pops, sa kabilang banda, ay naging mahusay sa pagtatanghal sa ibang bansa sa nakaraang apat na dekada ng kanyang pag-awit gayundin, sa lokal na mga bumentang mga kaganapan lalo na są dambuhalang mga arena. Siya ay may record-breaking na benta sa ticket sa kanyang mga konsiyerto gaya ng Shindig na nagtamo rin ng mga papuri sa paghirit ng mabentang album nito at pagtatanghal sa ibat-ibang bansa.

Noong 2019, si Pops ang isa sa mga 50 panelist sa buong mundo na lumahok sa bagong American reality talent na tanghalan. Ang ‘The World’s Best’ ng CBS habang siya ay tinaguriang pinakamagaling na Filipinang. Hurado kung kaya’t nagbunsod ito upang maging bisitang hurado sa ‘The Clash Season 3.’

Ilang taon lamang ang nakararaan, Balik-tambalan muli ang King at Queen — Martin at Pops — ay nagpaimbulog sa entablado ng California Center for the Arts sa Escondido.

Minsan lang mangyari ito! Bumili ng inyong mga tiket sa Pechanga Box Office o mag reserba sa pagtawag sa 888.810.8871 o bumisita online sa Pechanga.com.

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mag upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago, naayong tugtuging akma sa pandinig, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.  

Mga Impormasyon Tungkol sa Pechanga Resort Casino 

Nakapaghahandog ang Pechanga Resort Casino ng isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na resort/casino experiences saan man sa Estados Unidos. Ibinoto  bilang pinakamagaling na casino sa kanluran ng Amerika ang Pechanga Resort Casino ng USA Today at   may kategoryang Four Diamond property mula sa  AAA mula pa noong 2002. Nakapagbibigay din ang Pechanga Resort Casino ng walang katulad na bakasyon, maging para sa isang araw lang o sa mas mahaba at maginhawa pang pagtigil sa resort. Naghahandog ng higit sa 5,500 ng mga pinakamaiinit na slots, 152 table games, 1,100 rooms at suite hotel, dining, luxury spa, at golf sa Journey at Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nagtatampok  ng isang destinasyon  na ‘di kayang pantayan saan man sa California. Pag-aari at pinapaandar ng Pechanga Band of Indians ang Pechanga Resort Casino. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll free sa (877) 711-2946 o bisitahin ang www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa @PechangaCasino

Translate »