Sushi At Sake Naghahatid Ng Sigla Sa Pagdiriwang Ngayong Spring Sa Pechanga Resort Casino

Ika-3 Taunang  Pagdiriwang ng Sushi at Sake sa Pechanga sa Pagtugon sa mga Kahilingan, Benepisyo sa Habitat for Humanity sa Inland Valley

TEMECULA, Calif. —  (Pebrero 22, 2023) — Ang panahon ng pagdiriwang ay mananatili sa kasalukuyan ngayong spring sa Pechanga Resort Casino. Ang Taunang Pechanga Sushi & Sake Festival ay naghahain ng pinaka sariwang mga huling lamang dagat at kaiga-igayang sake sa loob ng Summit Events Center sa Sabado, Abril 8. Ang tanyag na isang araw na kasiyahan ay naghahatid ng isang hapong punong-puno ng premyadong Japanese sake, gawang-bahay na sushi mula sa master chefs ng Pechanga, isang pribadong auction at imbitadong manganganta. Ang mga Tickets ay ipinagbibili at maaaring makuha sa Pechanga Box Office, sa pagtawag sa (877) 711-2946 o online sa Pechanga.com. Ang kikitain mula sa pagdiriwang ay para sa benepisyo ng Habitat for Humanity Inland Empire.

Apat na mga lebel ng tikets ay makakamit:

  • VIP – $160 at kasama ang maagang entrada ng alas-11 a.m., may mga ipatitikim na mga napakasarap na sushi at iba pang mga panghimagas, higit pa sa 40 na iba-ibang uri ng sake, walong klase ng beer at pakikipaghuntahan sa manggagawa ng sake, chefs at pakikilahok sa bid sa isang pribadong auction ng mga bagay bago ang pangkalahatang pagtanggap sa mga lalahok.
  • Itinalagang Driver sa VIP – $75 at nagbibigay pahintulot sa maagang pagpasok sa ganap na alas- 11 a.m., pagtikim ng mga sample ng hiniwang mga sushi, iba-ibang panghimagas, pribadong bidding sa mga bagay na auction bago ang pangkalahatang pagtanggap sa mga lalahok, at kasiyahan sa imbitadong mga manganganta.
  • Pangkalahatang Rata Upang Makalahok – $120 at kasama ang entrada sa ganap  na alas-1 p.m., pag sample ng mga napakasasarap na sushi at ilang mga panghimagas, mahigit sa 40 ibat-ibang uri ng sake, walong klase ng beer, pagtitikim sa mga sariwang prutas na ihinanda ng master chefs ng Pechanga, imbitadong manganganta at pakikilahod sa pribadong bidding ng mga  bagay sa auction.

Sa isang ticket, ang mga panauhin ay maaaring magpasasa sa mahigit 40 premyadong sake (daignio, gidio, junnai at sparkling) Kabilang din ang mga nagtamo ng award na may brand at disenyo mula sa ibat-ibang lugar sa Japan at sa buong mundo. Ang mga chefs ng Pechanga ay iikot sa gitna ng pagdiriwang habang naghahanda ng libo-libong mga sariwang piraso ng sushi upang ipares sa mga pinagpiliang pinakamahusay na sake. Ang mga Chefs na sina Kiyo Ikeda, punong chef ng Umi Sushi & Oyster Bar, Kok Che, ehekutibong sous chef ng Pechanga’s Asian restaurants, at Andre Pinto, ehekutibong chef ng Pechanga, ay iikot upang makilala ng mga bisita, ipakilala ang mga sariwa, gawa sa lugar na mga sushi, at ibahagi ang kani-kanyang ekspertong suhestiyon upang ipares ang sushi sa sake.

Isang tradisyunal na Japanese Taiko drummer, isang gitaristang Japanese at isang “Koto” – Japanese harpist – ang halinhinang magtatalaga ng pagkalahatang tunog na aayuda sa kapaligirang musika są pagdiriwang. Isang pribadong auction ang nagmamarali ng minimithing mga regalo kagaya ng art, paboritong bakasyon at iba pa.

“ Nagkaroon na din ng iba pang pagdiriwang sa sushi sa paligid ng Southern California, ngunit walang pwersa ang nakapag sabi ng kakaibang pagdiriwang sa Pechanga Sushi & Sake Festival , “ sinabi ni Kiyo Ikeda, punong chef ng Umi Sushi & Oyster Bar sa Pechanga Resort Casino. “Ang katotohanang ang aming mga panauhin ay magagalak sa  kakaibang sushi at sake, gayundin ay magsasaya at makatutulong sa kawang-gawa habang ginagawa nila ito, ay magdudulot ng kasiyahan sa lahat patungkol sa kabuuan ng pagdiriwang. “

Ang ideya ng pagdiriwang ay nagmula sa katanyagan ng beer at sake sa buong Southern California, gayundin sa patuloy na pagtangkilik  at pagbulusok ng sushi bilang paboritong kainin at ihanda sa buong Amerika. Ang ika-2 premyong naipanalo para sa Pechanga Umi Sushi & Oyster Bar sa USA Today’s Best Casino Restaurant mula sa poll ng mga mambabasa noong 2018 ay nakatulong din upang itakda ang tagumpay ng pagdiriwang sa Temecula resort/casino.

Lahat ng kikitain ay isusuporta sa Habitat For Humanity Inland Valley na mga programa sa pabahay para sa mga angkop na indibidwal at pamilya, at mga pagkumpuni ng kabahayan ng mga may edad na nakakatanda at sa iba pang hindi na makayanang gampanan ang anumang mga pagkukumpuni.

Ang pagtikim sa mga menu sa pagdiriwang at ang pagpili ng mga seleksiyon na sake ay ilalathala sa susunod.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na eksperiyensa na resort/casino saan man sa Estados Unidos. Ibinotong pinakamagaling na casino sa west ng USA Today at may rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay nag-aalay ng mahigit 5,400 ng pinakamainit na slots, table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Luiseno Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.

Translate »