Sarah Geronimo, Magkakaroon ng Dalawang Shows sa Pechanga Summit sa September

Kilalang sikat na singer at aktres si Sarah Geronimo, na nakagawa na ng maraming albums, TV shows at pelikula. Malayo na ang narating ng karera ni Sarah dahil apat na taong gulang pa lang ay nasa entertainment industry na siya. Dalawa na ang nagawang shows ni Sarah sa Pechanga dati at ngayong taon nga ay magbabalik siya dito.

Si Sarah Geronimo ay magkakaroon ng dalawang live concerts sa Pechanga Summit sa September: Friday, September 8, 9:00 ng gabi at sa Linggo, September 10, 6:00 ng gabi.

Sumikat si Geronimo pagkatapos manalo sa  singing contest sa telebisyon na Star for a Night, kung saan siya ay nakakuha ng recording contract sa Viva Records habang 14 anyos pa lamang. Sa pagtakbo ng  kanyang karera, napanalunan ni Sarah ang  15 Awit Awards, 28 Myx Music Awards, 8 Aliw Awards, 4 FAMAS Awards, ang FAMAS Golden Artist Award at ang World Music Award. Pinangalanan din siya bilang isa sa most powerful influencers ng Forbes Asia. Noong 2013, napabilang siya sa Anak TV Hall of Fame. Si Geronimo din ay isang Goodwill Ambassador para sa Musika ng National Commission for Culture and the Arts at tumanggap ng  Ani ng Dangal award para sa Multi-Disciplinary Arts.

Taong 2004, nagkaroon si Sarah ng kanyang  kauna-unahang television show, Sarah the Teen Princess, at palagiang lumalabas sa variety show na ASAP bilang host at performer. Siya ay nakita sa 18 na pelikula, 25 television shows at nakapag-labas ng 13 album sa kanyang buong karera.

Nakagawa ng pangalan si Geronimo dahil sa kanyang maganda at madamdaming boses pati na sa paglabas sa iba’t-ibang pelikula at TV shows. Noong 2014, sa YES! Magazine, tinawag siyang “Most Beautiful Star”, kung saan nakuha niya ang number 1 spot matapos talunin ang 100 celebrities. Simula pa noong 2014, siya na ang most streamed solo Filipino artist sa Spotify Philippines kung saan milyong mga ka-tao ang nakikinig sa kanyang musika.

Ilan sa mga pinagmamalaki ng Pechanga Summit ang 40,000-square feet na lugar para sa mga mang-aaliw, konsiyerto, live na kaganapan sa sports, pagttaanghal ng kalakalan, kasalan, o anu pa mang malalaking grupo na magsasagawa. Sa kabuuan, ang Pechanga ngayon ay nag aalok ng 274,500 square feet na panloob/panlabas na kontemporaryong pagpupulong at espasyo sa mga kagaanapan, na tanging nagpaibayo sa mga amenidad, espasmo at katanyagan ng mga inihahandog na kaganapan ng Pechanga.  

Patungkol sa Pechanga Resort Casino  

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Naghahandog ng mahigit 5,500 ng pinakamainit na slots, table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Luiseño Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.  

Translate »