Konsiyertong Dapat Tandaan: ‘The Champions’ kasama si Joel Sebag Live sa Pechanga Resort Casino May 21 sa ganap na 6PM

Isang gabing dapat tandaan! Tatlong napapanahong sikat na Pilipinong mang-aawit na tinaguriang ‘The Champions” (Ang mga Kampeonado) kasama si Joel Sebag, isang batikang mang-aawit at piyanista, ay magtatanggal live sa entablado ng Pechanga Resort Casino sa Mayo 21 alas-6p.m.

Ang Pechanga Resort Casino, matatagpuan sa I-15 Highway sa Temecula Valley, Southern California wine county, ay kilala sa pag-iimbita ng pinakamahusay at matatalinong Pilipinong mang-aaliw at tagapagpalabas sa naising makapagbigay ng kakaibang karanasan sa mga espesyal na Filipino-Americans na mga patron.

Markahan ang inyong mga kalendaryo sa isang live na kagalakang pampamilya na magmumula sa mga tanging artista at mang-aawit sa kaganapan nina Klarisse De Guzman, Marcelito Pomoy, Mitoy Yonting, at Sebag.

Si Klarisse, komposer, host at judge ng ‘Tawag ng Tanghalan’ na lokal na palabas, ay sumikat at nakilala nang magwagi ito ng unang pwesto sa inisyal na palabas ng kilalang ‘Voice of the Philippines’ noong 2013 na sa kalaunan ay na koronahang pangatlo sa ‘Your Face Sounds Familiar’ taong 2021.

Kilala maging ibang bansa, si Marcelito Pomoy, tanyag din sa angking abilidad nitong kumanta ng tenor at soprano, ang naging grandeng panalo sa ikalawang sesyon ng ‘’Pilipinas Got Talent’— na nagbunsod dito upang makasali sa ‘America’s Got Talent: The Champions’ sa pagtatapos bilang pang-apat sa kabuuan.

Kilala rin sa pangalang ‘Mitoy’, si Michael Yonting ay umukit ng kapalaran sa iba’t ibang larangan gaya ng pagkanta, pagiging komedyante, aktor, at pangunahing bokalista sa kanyang banda, ‘The Draybers’, kung saan pumaimbulog ito sa kasikatan matapos makamit ang unang lugar sa ‘The Voice of the Philippines’ taong 2013. Mula dito mas lalong naming aktibo ang kanyang buhay at nabilang din ito sa ‘Philippine Ballet Theatre’s na dalawang gabing konsiyerto.

Inspirado sa ‘pwersa ng Diyos sa mapagpalang pagbabago’ na patuloy na mahihiwatig sa kanyang buhay at mga awiting pang simbahan— si Joel Sebag, isang physical therapist na nagtapos sa Boston University, ay isang piyanista mula edad na 7 at ang kanyang hilig sa musika ay nagpapatotoo lang ng kanyang pag-ibig bilang isang tagasunod ng Diyos. Siya’y dumayo sa kalayuan ng Eureka Springs, Arizona at Kimberting, Missouri upang magtanghal ng live kasama ang iba pang mga inspiradong piyanista sa konsiyertong pang banda.

Ano pa ang hinihintay ninyo? Ang pagkakataong ito ay minsan lamang mararanasan! Bumili ng inyong tikets sa Pechanga Box Office, o sa pagtawag sa 888-810-8871, o bumisita sa www.pechanga.com

Ilan sa mga pinagmamalaki ng Pechanga Summit ang 40,000-square feet na lugar para sa mga mang-aaliw, konsiyerto, live na kaganapan sa sports, pagttaanghal ng kalakalan, kasalan, o anu pa mang malalaking grupo na magsasagawa. Sa kabuuan, ang Pechanga ngayon ay nag aalok ng 274,500 square feet na panloob/panlabas na kontemporaryong pagpupulong at espasyo sa mga kagaanapan, na tanging nagpaibayo sa mga amenidad, espasmo at katanyagan ng mga inihahandog na kaganapan ng Pechanga.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2003, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay nag-aalay ng mahigit 5,400 ng pinakamainit na slots, 154 table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.

Translate »