ANG PECHANGA RESORT CASINO AY BUKAS NA MAY LIMITADONG OPERASYON

Mga-sign sa labas ng pasukan ng Pechanga ay nagpapaalala sa mga bisita tungkol sa mga protocol ng temperatura – Ang panauhin ng Pechanga ay may temperature na mag-scan bago pumasok sa loob nuong Hunyo 1.

Nitong nakaraang Lunes, Hunyo 1, ika-12 ng hapon, ang Pechanga Resort na matatagpuan sa Temecula, California ay nagbukas muli para sa publiko. Matatandaang ang pinakamalaking casino/resort sa West Coast ay pansamantalang nagsara noon Marso 16, 2020 matapos magdesisyon ang pamunuan ng Pechanga Tribal sa pansamantalang pagsara ng Resort upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. Ang Pechanga Resort Casino ay muling nagbukas subalit ang kanilang operasyon ay limitado pa lamang sa ngayon, at ang mga pasilidad nito ay bubuksan unti-unti para sa mia tagapagtangkilik.  Sa muling pagbubukas into noong Hunyo 1, ang mga panauhin ay pumila bago pa man pumatak ang 8:00 ng umaga at sumunod sa alituntunin na anim na talampakan ang agwat bawat panauhin at isa-isang kinunan ng temperatura bago makapasok ng gusali. Mahigit kalahati ng Pechanga slot machines (humigit kumulang 2,500) ang pwedeng magamit ng mga panauhin kung saan ang mga laro ay pinagsasalit-salitan. Ang table games ay   limitado pa sa ngayon. Para sa kaligtasan ng mag manlalaro, mayroong plexiglass safety shields na inilagay sa pagitan ng mga manlalaro at ng dealer. Binuksan din ang lima sa labing-tatlong restaurants ng Pechanga at tatlong stations sa loob ng anim na dining options sa food court para sa mga panauhin.

Ang kalusugan at kaligtasan ng mga panauhin, mga empleyado at ng buong komunidad ay ang pangunahing prioridad ng pamunuan ng Pechanga ayon kay Jared Munoa, Presidente ng Pechanga Development Corporation. Ayon sa kanya, may mga ilang pagbabagong ipinatutupad sa loob ng Casino,
maging sa panlabas na kaanyuan o sa operasyon kumpara sa pagpapatakbo nito noong mga nakaraang buwan. Lahat ng bagong panuntunan ay naaayon sa mga pinakamahusay na practices hinggil sa kaligtasan at kagalingan ng mag panauhin.

“Nasisiyahan ako sa pagbubukas muli ng Pechanga, Panalo, Talo or draw, I love it. It’s like my Disneyland for adults” sabi ni Betty Davidson na nagmula pa sa Los Angeles upang maging parte ng muling pagbubukas ng Pechanga noong Hunyo 1.

Ang environmental services department ng Pechanga Resort ay nagsagawa ng masinsinang paglilinis at pagdi-disinfect ng casino maraming beses habang pansamantala itong nakasara. Maging ang mga hotel rooms, lobbies, restaurants at kitchens, slot machines, table games, entrance and exits, elevators, escalators, restrooms, door handles, handrails, ATMs, kiosks, counters at iba pa ay sumailalim sa malawakang paglilinis.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagbabagong makikita at mararanasan ng mag panauhin, sa muling pagbisita sa Pechanga, kasama na rito ang mga safety rules na dapat sundin sa unang phase ng pagbubukas:

  • Ang paninigarilyo ay hindi pinahihintulutan sa loob ng gusali.
  • Bawat panauhin ay dadaan sa temperature screening kiosk sa bawat pasukan ng gusali.
  • Ang pagsuot ng face coverings ay required.
  • May mga slot machines na hindi gagamitin para ma-observe ang proper physical distancing.
  • Limitadong bilang ng table games na mayroong plexiglass safety shields.
  • Mahigit kumulang 50% ng normal na seating capacity sa restaurants ay paunang binuksan.
  • Anim na talampakang agwat sa bawat panauhin ang ipatutupad sa mga pila.
  • Walang magaganap na concerts at iba pang entertainment pansamantala.

Ang lahat ng mga shows na naka-schedule sa Pechanga Resort Casino para sa Hunyo 2020 ay ipagpapaliban muna. Ang lahat ng naka-book na concerts para sa buwan ng Hunyo ay maire-reschedule muli sa petsang available ang mga artists at kanilang tagapamahala.

Ang hotel ng Pechanga ay kasalukuyang tumatanggap ng reservations para sa Hulyo 1 bagaman ito ay hindi pa bukas sa ngayon. Ang Pechanga Bingo and Poker, Spa Pechanga, The Cove pool complex, Eagle’s Nest Nightclub, at ang Pechanga Comedy Club ay mananatiling nakasara sa paunang phase ng pagbubukas.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino
Inihahandog ng Pechanga Resort Casino sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa United States. Pinangalanang Numero Uno na casino sa America ng mga mambabasa ng USA TODAY at hinirang na Four Diamond Property na pagaari ng AAA simula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng walang katumbas na mapupuntahan, Naghahandog ng mahigit sa 5,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 1,090 mga kwarto sa hotel, kainan, spa at championship golf sa Journey sa Pechanga, ang Pechanga Resort Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll-free sa 1-877-711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook at sa Twitter @PechangaCasino. 

Translate »