Nanalo ang Pechanga bilang #1 Best Casino mula sa Newsweek at nag-handog ng “Athlete on Another Level” award sa star-studded Unforgettable Gala

Matindi talaga ang kompetisyon kapag inisip mo na may halos 2,000 casinos sa buong America, kasama na ang mga nasa Las Vegas at New Jersey. Ang Pechanga Resort Casino na nasa Temecula California ay nahirang kamakailan na #1 Casino sa labas ng Las Vegas mula sa mga mambabasa ng Newsweek magazine. Nababasa sa buong Amerika, ang publikasyon na ito ay humiling sa kanilang mga mambabasa na i-ranggo ang kanilang  top 10 non-Vegas casinos sa isang online poll. Kasama sa kompetisyon ang mga establisado nang mga lugar tulad ng  Reno, Nevada, ang South, Southeast, Pacific Northwest at iba pa sa Southern California. Sa katapusan nga ng isang-buwan na voting period,  Pechanga Resort Casino ang matagumpay na nanalo. Maraming rason kung bakit gustong-gustong pinupuntahan ang Pechanga Resort Casino ng kanilang mga kliyente, kabilang na ang pagiging non-smoking casino/resort nito, mga hotel rooms na mamahalin ang histura pero abot-kaya ang presyo, ang kalidad ng mga pagkain sa kanilang 12 restaurants, ang saya ng isang 24-hour casino, at ang nagdadamihang mga amenities na pwedeng ma-enjoy tulad ng The Cove pool oasis, Journey at Pechanga golf course, Spa Pechanga at marami pang iba.

“Ang mga pantimpalak na gaya ng sa Newsweek ay nagpapatutoo sa kalidad at serbisyo ng aming grupo na pinagsusumikapan naming maibigay araw-araw sa aming mga kliyente sa Pechanga Resort Casino”, sabi ni Ken Perez, Presidente ng Pechanga Development Corporation. “Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga taong bumoto at nagbigay suporta sa amin.”

Ang mga mambabasa ng Orange County Register ay ibinoto din ang Pechanga Resort Casino bilang kanilang paboritong casino sa isang readers’ poll na ginanap noong bandang huli ng summer 2023.

Bago pa man nanalo bilang #1 Best Casino Outside of Las Vegas,  nag-sponsor ang Pechanga Resort Casino ng lumalaki at star-studded na Unforgettable Gala sa Beverly Hilton noong mid-December. Exclusive gaming sponsor ng Unforgettable Gala ang Pechanga Resort Casino mula pa noong 2013. Ang awards event na ito ay inihandog ng Character Media at dinaluhan ng mahigit sa 700 na API professionals at high-profile personalities. Simula pa noong 2018, inihahandog na ng Pechanga Resort Casino ang Athlete On Another Level Award sa mga natatanging atleta sa loob ng Asian at Pacific Islander community. Nakakatanggap ng nominasyon ang mga atleta na nagpapakita ng bukod tanging galing sa larangan ng sports at nakakaya na lampasan ang mga matitinding pagsubok, pero sa kalaunan, isa lamang ang napipili sa prestihiyosong award. Ngayong taon, si Alison Lee, isang propesyonal na LPGA golfer, ang nanalo ng Pechanga Athlete On Another Level Award. Si Chloe Kim, isang Olympic gold medalist sa snowboarding at nagkamit din ng parehong award noong 2022, at si Michelle Wie West, dating LPGA Tour Player, ang mga naghandog ng award kay Alison.

Ang mga atleta na nagkamit din ng parehong award noong mga nakaraang taon ay sina Naomi Osaka, Kevin Na, at Shohei Ohtani.

Mga Impormasyon Tungkol sa Pechanga Resort Casino 

Nakapaghahandog ang Pechanga Resort Casino ng isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na resort/casino experiences saan man sa Estados Unidos. Ibinoto  bilang pinakamagaling na casino sa kanluran ng Amerika ang Pechanga Resort Casino ng USA Today  at   may kategoryang Four Diamond property mula sa  AAA mula pa noong 2002. Nakapagbibigay din ang Pechanga Resort Casino ng walang katulad na bakasyon, maging para sa isang araw lang o sa mas mahaba at maginhawa pang pagtigil sa resort. Naghahandog ng higit sa 5,500 ng mga pinakamaiinit na slots, 152 table games, 1,100 rooms at suite hotel, dining, luxury spa, at golf sa Journey at Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nagtatampok  ng isang destinasyon  na ‘di kayang pantayan saan man sa California. Pag-aari at pinapaandar ng Pechanga Band of Indians ang  Pechanga Resort Casino. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll free sa (877) 711-2946 o bisitahin ang www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram  at sa  X @PechangaCasino

Translate »