NAG-HAHANAP KA BA NG FINE DINING EXPERIENCE HABANG NASA CASINO/RESORT? ANG BAGONG GREAT OAK STEAKHOUSE AY MULING NAG-BUKAS NA MAS ELEGANTE AT MAY PRESYONG BABALIKAN MO

Pribadong dining area sa The Great Oak Steakhouse

Prime steaks. Caviar. Wagyu beef. Lobster. Ito ang mga fine dining dishes na sadyang kilala na. Kaya naman kung isasama  ang mga ito sa bago,  kaanya-anyaya, at  makabagong kapaligaran sa completely remodeled na  Great Oak Steakhouse, at idagdag pa ang mahigit na 200 wine selections, ang mga bisita ay magkakaroon ng isang dining experience na ‘di malilimutan at  babalikan pa.

Malugod na ipinakikilala muli ng Pechanga Resort Casino ang kanilang signature restaurant, ang Great Oak Steakhouse, matapos ang 7 buwan ng matinding remodeling.  Mula sa harapan  hanggang sa likod ng kusina, ang buong 8,000 square foot space ay dumaan sa pagbabago. Sa loob ng dining room, makikita ang mga kulay na hango sa tanso at ginto na may kasama ding mga kulay na  malamig sa mata. Makikita din ang mga naglalakihan at maliliwanag na mga chandeliers pati na ang isang stained glass na may sukat ng 30 ft X 5ft. Isang lokal, taga-San Diego, ang nagdisenyo at gumawa nito at nagsisilbing unang pagpupugay  ng restaurant para sa Tribe’s sacred Great Oak Tree.

Pagpasok sa loob ng mga bisita, maari nilang simulan ang kanilang gabi sa bagong bar at lounge sa may main dining area. May mga menu choices katulad ng Wagyu beef tartare or oak grilled oysters mula 3pm bawat araw.  Maaari din pumili ang mga bisita sa mga 16 na upuan sa bar at 36 na upuan sa loob ng lounge. Ang menu ay mayroong 15 cocktails na karamihan ay ginawa gamit ang mga local at responsibly sourced na mga sangkap. 

Nagbibigay daan din sa mga bagong menu ang remodeled restaurant na ito tampok ang walong steak cuts at  Wagyu selections na  cooked-to-order ni Chef Emmanuel Inocencio, isang 11-year culinary veteran ng Pechanga at ng  kanyang mga dalubhasang koponan. Ang mga steak, poultry, sariwang seafood, masasarap na gulay at side dishes ay inihahanda ng mabuti ni Inocencia at ng kanyang kilalang koponan. Binibili ng Pechanga ang karamihan ng kanilang sangkap sa mga local farms.

Para sa mga bisita na humahanap ng walang kaparis na dining experience sa Southern California, ang grupo na may anim hanggang sampung ka-tao ay maaring makagawa ng reserbasyon sa Chef’s Table. Isang semi-private dining experience na nagaganap sa pagitan ng dalawang glass enclosed walls na naglalaman ng  288 na bote ng red wine, ang Chef’s Table ay naghahandog ng isang 8-course meal na may wine or cocktail pairings.

Dalawang karagdagang dining destinations sa loob ng Pechanga ang nagkamit ng updates kamakailan. Ang Umi Sushi & Oyster Bar, kilala bilang  2nd place sa USA Today’s Best Casino Restaurant readers’ poll ay pinalaki ang kanyang  bar area at lounge area. Maaring umorder ang mga bisita ng malamig na inumin o masarap na appetizer sa bagong bar area mula Linggo hanggang  Huwebes, 11am hanggang 10pm, at 11am hanggang 11pm tuwing Biyernes at Sabado. Sumailalim sa pagbabago ang front entrance, restaurant lighting at maraming interior finishes ang Paisano’s, isang restaurant na naghahandong ng authentic Italian cuisine. Si Chef Amanda Colello na lumabas sa “Hell’s Kitchen” at “Chopped” ang namumuno sa mga handog na kulinarya ng Paisano’s. Gumagawa siya ng mga recipes at cooking specialties base sa kanyang pagiging New Yorker at inihahalo ito sa mga sariwa at kakaibang mga sangkap na mahahanap lamang sa West Coast.

Ang Great Oak Steakhouse ay bukas mula Linggo hanggang Huwebes mula 5pm hanggang 10pm at 5pm hanggang 11pm, Biyernes at Sabado. Bukas ang bar lounge mula 3pm at nagsasara kasabay ng restaurant.

Para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon, bisitahin ang Pechanga.com/eat/the-great-oak-steakhouse. 

Patungkol sa Pechanga Resort Casino 

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. Ibinotong pinakamahusay na casino ng USA Today at may rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o sa kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay nag-aalay ng mahigit 5,500 ng pinakamainit na slots, 152 table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Instagram, Facebook at sa X @PechangaCasino

Translate »