GARY V REENERGIZED 2023 SHOW COMING TO PECHANGA RESORT CASINO ON OCTOBER 6TH & OCTOBER 7TH

Magbabalik si Gary V sa entablado ng Pechanga ngayong taon sa pamamagitan ng dalawang shows sa October 6 at October 7, alas otso ng gabi. Nalulugod ang Pechanga sa kanyang pagbabalik!

Kilala ang Pechanga Resort Casino sa pag-aanyaya ng karamihan sa mga malalaking pangalan sa Filipino entertainment. Mula sa Iconic Concert with Sharon Cuneta & Regine Velasquez sa  The Champions with Joel Sebag, The All-Star concert, Eraserheads, at Sarah Geronimo, ang Pechanga ay palaging handang tumulong na gumawa ng mga ganitong klase ng palabas para sa mga superstars na ito, kung saan si Gary V ay isa sa pinakamalaking superstar sa kanilang lahat.

Sa ngayon, si Gary V ay nakapaglabas na ng 39 na albums at labing dalawang beses nang nanalo bilang  Awit Award for “Best Male Performer”.  Siya ay paulit-ulit na lumalabas sa variety show na ASAP at singing competion na It’s Showtime. Sa buong 34 na taon niya sa industriya, nagawaran siya ng mga multi-platinum recording awards para sa karamihan ng kanyang mga recording albums. Nakapag-record at nakasama na din niya sa mga palabas ang maraming bituin at ilan sa mga ito ay sina  Brian McKnight, George Duke, Paul Jackson Jr., Menudo, at Kool and the Gang. Sa kasalukuyan, siya ay inaatasan din na kantahin ang mga hits ng BTS, nina James Ingram, at Bruno Mars para sa ASAP. Bukod sa kanyang tanyag na karera, siya din ang naging kauna-unahang UNICEF Philippines’ National Ambassador  mula pa noong1998.

Kilala din si Gary V sa kanyang pag-arte at napanalunan nga niya ang tropeo ng “Best Single Performance by an Actor”  noong dekada ‘90s.

Lumabas din sya sa 14 full-length films para sa ilang kilalang movie companies katulad ng Viva Films, Regal Films at Star Cinema . Sa kanyang buong karera, tinagurian siyang Michael Jackson ng Pilipinas, kung saan ang kanayang mga palabas ay napupuno, sa ibat ibang parte ng mundo.

Si Gary V din ay mapagkawanggawa. Noong panahon ng COVID pandemic at lockdown, taong 2020, isa siya sa mga pangunahing artista sa Pilipinas na gumawa ng online fundraises at ang kauna-unahang Pilipinong artista na sumali sa pinakamalaking prayer app sa buong mundo, ang pray.com bilang ambassador noong taong 2021. Siya din ang bumuo ng Shining Light Foundation noong taong 1989, isang foundation na nakatutok sa pagbibigay suporta sa mga taong may diabetes at nagpopondo sa isang scholarship program na nakapaglikha ng mga multi-awarded na scholars at estudyante.

Hindi rin biro ang kanyang online presence sa iba’t ibang social media platforms na umaaabot sa milyon. Mayroon siyang 4 million followers sa Twitter, lagpas 1,078,000 sa Facebook, 309,000 subscribers sa Youtube, 690,000 followers sa Instagram at higit sa  951,000 followers sa Spotify.

Ito ay isang palabas na talagang hindi mo dapat palampasin!

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mag upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago, naayong tugtuging akma sa pandinig, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.  

Patungkol sa Pechanga Resort Casino  

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Naghahandog ng mahigit 5,500 ng pinakamainit na slots, table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram and on Twitter @PechangaCasino. 

Translate »