Eraserheads Rocks Live Sa Pechanga Resort Casino Mayo 28 6pm

Ang alternatibong rock band na ‘Eraserheads’, isa sa pinaka nakaaangat at sadyang hinahabol na grupo sa larangan ng musikang Pilipino ay magtatanghal ng live sa Pechanga Resort Casino sa Linggo, Mayo 28, sa ganap na alas-6p.m., isa sa mga serye ng pandaigdig na konsyerto sa buong taon.

Ang Pechanga Resort Casino, matatagpuan sa I-15 Highway sa Temecula Valley, Southern California wine county, ay kilala sa pag-iimbita ng pinakamahusay at matatalinong Pilipinong mang-aaliw at tagapagpalabas sa naising makapagbigay ng kakaibang karanasan sa mga espesyal na Filipino-Americans na mga patron.

Pinangungunahan ni Ely Buendia, Rayms Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro, ang Eraserheads ay digit na tanyag sa mga tanging patok na kanta noong 1995, ‘Ang Huling El Bimbo,’ na humantong sa International Viewer’s Choice Award para sa MTV Asia noong 1997 at ‘Awit Award’ sa pinaka maraming nai-download na kanta habang nominado ito para sa pinaka magaling na pagsasaayos ng musika.

Si Ely ang pangunahing mang-aawit at guitarist sa ritmo, si Rayms naman sa pagbanat sa drums, si Buddy ang naghihimay ng bass, at si Marcus ang pangunahing gitarista kung saan ang nahuling tatlo ay umaayuda rin sa pagkanta.

‘Ang Huling El Bimbo’ ay nangangahulugan ng hindi patas na pagmamahalan sa dalawang magkaibigan mula pa ng kabataan na kapwa lumaki at nagkahiwalay, at nauwi lamang sa isang trahedya sa katapusan.

Karaniwang binabansagang ‘Ang Beatles’ ng Pilipinas, ang dekadang rock band na binuo taong 1989 ay bibigyang kredito sa pangunguna ng ikalawang buhos ng pag bulusok ng mga banda sa Manila.

Apat na mga tugtugin ang napabalitang, naging tanyag na mga hits— ‘Kailan,’, ‘Magasin’, ‘Alapaap,’ at ‘Na May Ngiti’— naging gold sa loob lamang ng 30 araw at may 20,000 kopya na naibenta at sa kalaunan ay naging quintuple platinum na may 220,000 kopyang naibenta.

Ang pop band ay tumungo sa ibang mundo at nagtangghal ng mga konsyerto sa Sentosa Pop Festival sa Singapore hanggang sa Estados Unidos sa Palace sa Hollywood, sa Radio City Music Hall sa New York – kung saan sila ay nagtamo ng pinakamimithing ‘Moon Man’ trophy sa pagtanggap ng 1997 MTV Asia Viewer’s Choice Award, na naglagay sa Eraserheads sa pedestal na kauna-unahang mga artistang Pilipino na nakatanggap ng award.

Ang Ersaerheads ay nagtanghal ding live sa Tokyo, Japan at mula Oakland hanggang Los Angeles, California, at sa kalayuan ng Dubai, HongKong, Sydney, Chicago, United Arab Emirates at London.

Ang banda ay nagtanghal din kasabayan ang lokal na mga premyadong mang-aawit gaya ng huling rapper na si Francis Magalona at sikat na mang-aawit na si Gary Valenciano.

Ang konsiyerto ng Eraserheads ay minsan lang mangyayari! Bumili ng inyong tikets sa Pechanga Box Office, o sa pagtawag sa 888-810-8871, o bumisita sa www.pechanga.com

Ilan sa mga pinagmamalaki ng Pechanga Summit ang 40,000-square feet na lugar para sa mga mang-aaliw, konsiyerto, live na kaganapan sa sports, pagttaanghal ng kalakalan, kasalan, o anu pa mang malalaking grupo na magsasagawa. Sa kabuuan, ang Pechanga ngayon ay nag aalok ng 274,500 square feet na panloob/panlabas na kontemporaryong pagpupulong at espasyo sa mga kagaanapan, na tanging nagpaibayo sa mga amenidad, espasmo at katanyagan ng mga inihahandog na kaganapan ng Pechanga.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2003, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay nag-aalay ng mahigit 5,400 ng pinakamainit na slots, 154 table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.

Translate »