ERASERHEADS, DADALHIN ANG ICONIC OPM SOUNDS SA PECHANGA SA JULY 19

Temecula, CA – Pagkatapos ng isang matagumpay ng konsyerto noong isang taon, ang Filipino rock legends na Eraserheads ay magbabalik sa Pechanga Resort Casino sa Biyernes, July 19, 2024, alas-otso ng gabi. Hindi ito dapat palampasin dahil mag-hahandog sa gabing iyon ang Eraserheads ng kanilang pinakamalalaking hits at kilalang OPM classics. Kasunod ito ng kanilang sold-out na pagtatanghal noong nakaraang taon sa Pechanga na talaga namang hinanap-hanap ng kanilang mga tagahanga.  

Bilang parte ng kanilang kapana-panabik na Huling El Bimbo World Tour 2024, ang Eraserheads ay magtatanghal ng kanilang greatest hits kasama na ang “Huling El Bimbo” na nanalo ng International Viewer’s Choice Award for MTV Asia noong 1997 at ng “Awit (Song) Award” para sa most downloaded song.

Isa sa pinakama-impluwensya  at matagupay na banda sa Pilipinas ang Eraserheads. Sila ay nanguna sa pagpapasikat ng iconic Manila rock invasion noong dekada ’90. Pinangungunahan ni Ely Buendia sa vocals/guitar, kasama sina  Raymund Marasigan sa drums, Buddy Zabala sa bass at Marcus Adoro sa guitar,  ang bandang ito ay may kakaibang tunog ng magkahalong rock at pop. Madali nilang nakuha ang puso ng kanilang mga tagahanga sa iba’t -ibang parte ng mundo, dahilan na rin sa kanilang energetic live performances.  

Nabuo ang bandang Eraserheads noong 1989 sa University of the Philippines at madaling nagkaraoon ng mga tagahanga dahil sa kanilang mahusay na pagususlat ng mga awitin at kakaibang istilo. Ang kanilang breakout 1993 album na Ultraelectromagneticpop!  ay naglalaman ng mga hits na katulad ng “Tindahan ni Aling Nating” at naging daan para makilala sila ng masa.  Naging multi-platinum naman ang 1994 album nilang Cutterpillow, na nakabenta ng 400,000 units sa Pilipinas at nananatili bilang pang-lima sa biggest-selling albums sa buong kasaysayan ng OPM.

Ngayon, magkakasamang muli ang Eraserheads para magtanghal ng kanilang mga iconic songs. Huwag palampasin ang pagkakataon na ito para makasama ang musical legend na Eraserheads sa kanilang pagtatanghal sa Pechanga Resort Casino’s Summit Events Center.

Mabibili na ngayon ang tiket para sa Eraserheads at ito ay may presyong  $98. Pumunta lang sa Pechanga.com, sa Pechanga Box Office o tumawag sa 888-810-8871.

Ilan sa mga pinagmamalaki ng Pechanga Summit ang 40,000-square feet na lugar para sa mga mang-aaliw, konsiyerto, live na kaganapan sa sports, pagttaanghal ng kalakalan, kasalan, o anu pa mang malalaking grupo na magsasagawa. Sa kabuuan, ang Pechanga ngayon ay nag aalok ng 274,500 square feet na panloob/panlabas na kontemporaryong pagpupulong at espasyo sa mga kagaanapan, na tanging nagpaibayo sa mga amenidad, espasmo at katanyagan ng mga inihahandog na kaganapan ng Pechanga.  

Mga Impormasyon Tungkol sa Pechanga Resort Casino 

Nakapaghahandog ang Pechanga Resort Casino ng isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na resort/casino experiences saan man sa Estados Unidos. Ibinoto bilang pinakamagaling na casino sa kanluran ng Amerika ang Pechanga Resort Casino ng USA Today at   may kategoryang Four Diamond property mula sa  AAA mula pa noong 2002. Nakapagbibigay din ang Pechanga Resort Casino ng walang katulad na bakasyon, maging para sa isang araw lang o sa mas mahaba at maginhawa pang pagtigil sa resort. Naghahandog ng higit sa 5,500 ng mga pinakamaiinit na slots, 152 table games, 1,100 rooms at suite hotel, dining, luxury spa, at golf sa Journey at Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nagtatampok ng isang destinasyon  na ‘di kayang pantayan saan man sa California. Pag-aari at pinapaandar ng Pechanga Band of Indians ang Pechanga Resort Casino. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll free sa (877) 711-2946 o bisitahin ang www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa  X @PechangaCasino

Translate »