ABANGAN! MAGPAPALABAS ANG PECHANGA NG 2 LIVE PILIPINO SHOWS SA MARSO, ABRIL 2022

Ang Pechanga Resort Casino, isang multi-awarded na pasyalang casino sa Southern California, nangunguna sa lahat ng iba pang pang casino sa United States, ay nag anunsyo ngayon ng dalawang tampok na libangan sa mga patron nito sa pagsalubong sa Bagong Taon 2022.

Live na komedya ang sisipa mula sa mga tampok na Filipino entertainers, T.K.O. (Tawanan! Kantahan! Overload!) sa pangunguna nina Negi, Wacky Kiray, MC, at Lassy, na lalahukan din ng espesyal na mga bisitang mang-aawit—sina Buboy Drilon at Kris Lawrence.

Ang Pechanga Resort Casino ay sikat sa pag-iimbita ng mga magagaling at pinakamahusay na Filipino entertainers at piling mang-aawit upang mang-aliw ng pinaka-nakatutuwang experiyensya, partikular, sa mga parokyanong Filipino-Americans.

Ang ilang oras na pagtatanghal ng T.K.O. ay gaganapin sa Sabado, Marso 5, 2022 alas-8p.m. And mga tiket ay mabibili mula $38.

Sa isang banda, ang ‘Threelogy’ ang isa pang pangkat na mga Fil-Am na mang-aawit na bubulaga sa inyo at maghahatid ng mga award-winning na awitin, kung saan sila’y magtatanghal live sa Sabado, Abril 22, 2022.

Upang tiyakin ang regalong pam Bagong Taon mula Pechanga, sina Erik Santos, Morrissette Amon, at Christian Bautista— isang “tatlo-sa-isang” hirit na pagtatanghal ang maghahatid ng pinaka-paborito na mga pop songs na pinasikat sa internasyonal.

Maaari na kayoing bumili ng tikets habang maaga pa mula $68.

Ang kapwa tikets ng T.K.O. at Threelogy ay maari ng mabili sa pagtawag sa 888-810-8871 o online sa www.pechanga.com

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mag upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago at naayong tugtuging akma sa pandinig. Sa paglilibang sa mga paboritong artista sa Pechanga kumpara sa ibang lugar ay walang hirap na pagpapatunay lamang kabilang din ang libreng valet at sariling parking sa mga bisita, gourmet at kaswal na kainang pagpipilian sa lugar, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino
Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensta saan man sa Estados Unidos. Ibinotong numero unong casino sa bansa ng USA Today at may rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Ang Pechanga ay naghahatid ng mahigit 5,000 ng pinakamainit na slots, table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalok ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Luiseno Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.

Translate »