Nakapuntos Ang Pechanga Resort Casino Sa Bagong Pinangalanang Lpga Sponsor, Gabriella Then, Bilang Ambasadora Ng Kurso

Opisyal na nakipag-isa ang Pechanga Resort Casino sa propesyunal na golfer na si Gabriella Then upang kumatwan bilang kanilang Ambasadora ng Ladies Professional Golf Association (LPGA).

Si Bill Anderson, Hepeng Opisyal sa Marketing ng Pechanga Resort Casino, ay nag-anunsiyo ng pagiging isponsor sa CM Pro-Am Tournament noong Martes. Binigyang diin niya ang natatanging istorya ni Then, sa pagtukoy ng kanyang mahabang pasensiya at tanging inspirasyon sa mga kabataang golfers sa buong mundo. Ang pakikipag-isa ay naglalayong suportahan ang turno ni Then at ang kanyang kakayahan habang patuloy na ipinamamarali nito ang naturang palakasan sa mga kabataang babae at sa mga kababaihan mapa saan man.

Isang babae tubong Southern California, si Gabriella Then ay bumulusok pataas mula sa mga ranggo sa komunidad ng mga kababaihang golfer na may kahanga-hangang kaibahang naitala na natamo nito. Nag umpisang sa turneyo ng golf sa edad na siyam na taon, si Then ay patuloy na nakipag tunggali sa kaniyang unang U.S. Women’s Open sa gulang na 14. Siya ay nagtapos sa University of Southern California  kung saan siya naglaro ng naturang palakasan sa golf, nagtamo ng All-American na titulo bago pa man lumahok sa Epson Tour noong 2017. Pagkatapos malampasan nito ang pag abante sa Stage II ng LPGA’s Qualifying School noong 2019, nag desisyong lubusang magbitiw si Then sa palakasan upang bumaling naman sa ibang larangan. Iniwan niya ang propesyunal na golf sa loob ng 18 buwan bago nito muling pag ibayuhin ang kanyang hilig at pagmamahal sa larong ito. Kaakibat ang bagong sigla na puspusang pagtuunan ang palakasan na may kalinawan, si Then ay nagpatuloy muli hanggang manalo ito ng tatlong beses sa loob ng apat na buwan sa Cactus at Women’s All Pro Tours. Muling naudlot ang pagpupunyagi nito. Siya ay nanalo ng Ladies European Tour (“LET”) QSchool noong 2022 na nagwagi sa kinalalagyang pwesto sa LET. Sa kalagitnaan ng panahon, muling nakipag sapalaran si Then at muling pumailanlang sa palakasang golf at sumali sa Epson Tour kung saan nakamit nito ang unang Epson Tour na pagkapanalo sa ikalawang serye ng paglahok. Sa katapusan ng taong 2022 Epson Tour na serye, si Then ay Natapos ng ika-pitong puntos sa palakasan, kung saan ay nakamit niya ang lugar sa LPGA tours ng 2023.

Patungkol sa Pechanga Resort Casino

Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng pinaka malaki at napakalawak na resort/casino na eksperiyensa saan man sa Estados Unidos. May rata na Four Diamond property ng AAA mula 2002, ang Pechanga Resort Casino ay naghahatid ng walang kapantay na libangan, maging anumang araw o kahabaan ng pananatili rito. Naghahandog ng mahigit 5,500 ng pinakamainit na slots, table games, world-class na paraan ng aliwan, 1,100 na mga kwarto sa hotel, kainan, spa at golf sa Journey sa Pechanga. Ang Pechanga Resort Casino ay nag-aalay ng mga destinasyon na tutugon at hihigit pa sa mga pangangailangan ng mga panauhin at komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at nasa ilalim ng pamamalakad ng Pechanga Band of Luiseño Indians. Sa karagdagang impormasyon, tumawag toll free sa (877) 711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook, Instagram at sa Twitter @PechangaCasino.

Translate »