Inanunsyo ng T&T Supermarket ang Pangalawang Lokasyon sa Lynwood!

LALO PANG LUMAKAS ANG T&T SUPERMARKETS SA WASHINGTON, NA NAG-ANUNSYO NG IKALAWANG TINDAHAN SA ESTADO

Napagpasiyahan ng Lynnwood ang ikalawang lokasyon ng T&T, na maglilingkod sa hilagang bahagi ng Seattle

LYNNWOOD, WASHINGTON – Mayo 29, 2024 –Inanunsyo ng T&T Supermarket Inc., ang mga plano para sa ikalawang lokasyon sa Estado ng Washington. T&T Supermarkets ay ang pinakamalaking Asian grocery retailer sa Canada at matatagpuan sa Lynnwood Crossroads Shopping Center, 6218 196th Street SW. Pinili ng T&T ang isa sa pinakaabalang interseksyon sa lugar. Ang lokasyongito ay madaling makikita at mapupuntahan mula sa Highway 99.  Nagbibigay-daan galing doon upang mapaglingkuran ang mabilis na lumalagong komunidad sa Lynnwood at ang hilagang bahagi ng Seattle.

“Hindi kami tumigil sa paghahanap ng mga lokasyon sa Washington matapos ang anunsyo ng aming pangunahing tindahan sa Bellevue,” ang sabi ni Tina Lee, CEO ng T&T Supermarkets.  “May mahusay na potensyal sa paglago dito, at bagaman orihinal na plano namin na pagtuunan lamang ang ikalawang lokasyon pagkatapos magbukas ng Bellevue, hindi talaga namin matanggihan ang oportunidad na ito.  Napakaganda ng lokasyon nito sa isang dating grocery box – sa laking 30,000 square feet, tamang-tama ang sukat nito para sa Lynnwood.”

Noong nakaraang taon, inanunsyo ng T&T ang pagpapalawak sa U.S. sa pamamagitan ng pangunahing tindahan o flagship store sa Bellevue, Washington, na nakatakdang magbukas sa tag-araw na ito.

“Mayroon kaming magandang balita at masamang balita ngayong araw,” pagpapatuloy ni Lee.  “Ang magandang balita ay opisyal na ang aming ikalawang lokasyon sa U.S. Ang masamang balita ay naantala ang aming unang tindahan. Sa kasamaang palad, ang aming electrical panel – isang mahalagang bahagi ng equipment – ay na-backorder.  Bagaman wala pa kaming opisyal na petsa ng pagbubukas sa Bellevue, determinado kaming magbukas bago magtapos ang taon at magbibigay kami ng higit pang impormasyon kapag mayroon na.”

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa T&T, mangyaring makipag-ugnayan sa: Marketing@tntsupermarket.com    

Tungkol sa T&T Supermarkets:

T&T Supermarkets ay ang pinakamalaking Asian supermarket chain sa Canada, na nagpapatakbo ng mahigit sa 30 tindahan sa British Columbia, Alberta, Quebec at Ontario. Itinatag ang T&T Supermarkets sa Vancouver noong 1993. Ang punong-tanggapan ay nasa Richmond, BC, na may mga opisina sa Toronto, ON. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.tntsupermarket.us

I-follow ang T&T, sa Instagram:

Bumisita ang leadership team ng T&T, sa Munisipyo ng Lynnwood
Ang CEO ng T&T Supermarkets na si Tina Lee at ang Alkalde ng Lungsod sa Lynnwood na si Christine Frizzell,
Translate »