Friday , 24 November 2017
You are here: Home » News » California » TINATAGUYOD NG COMCAST ANG MAGKAKAIBANG LINE-UP NG PELIKULA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG PAMANA NG ASYANONG-PASIPIKONG AMERIKANO

TINATAGUYOD NG COMCAST ANG MAGKAKAIBANG LINE-UP NG PELIKULA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG PAMANA NG ASYANONG-PASIPIKONG AMERIKANO

Share

English | Chinese | Japanese | Filipino

Kabilang sa Nilalama ang Mga Pelikula mula sa Sentro para sa Asyanong Amerikanong Media, Well Go Entertainment, Eros Now at TV Japan

Comcast Logo
PHILADELPHIA, PA – Mayo 2, 2016 – Sa pagkilala ng Buwan ng Pamana ng Asyanong-Paspikong Amerikano ngayong Mayo, itataguyod ng Comcast ng koleksiyon ng Asyanong-Amerikanong nilalaman sa mga platform ng Xfinity On Demand, tinatampok ang seleksiyon ng mga bagong pelikula mula sa Center for Asian American Media tulad ng Am I American, American Arab at Flip Flops. Itatampok din ng koleksiyon ang mga Asyanong Action na pelikula mula sa Well Go Entertainment tulad ng IP Man 3 at The Assassin.

“Kinagagalak naming dalhin ang mga kapansin-pansing kuwento ng taong ito na kumakatawan sa pagkakaiba-iba ng mga boses ng Asyanong Amerikanong komunidad sa ating mga customer,” sabi ni Javier Garcia, SVP at GM ng Multicultural Services, Comcast Cable. “Ang curated na koleksiyon ng mga programa ay muling magbibigay-diin sa aming pangakong maghandog ng pangunahing international na programming sa mga manonood ng Xfinity On Demand buong taon.”

Kabilang sa dagdag na programming na itatampok sa buwang ito ang:
• Bagong koleksiyon ng on demand na programming mula sa TV Japan
• Mga Pinakamagandang Interpretasyon mula sa YOMYOMF
• Koleksiyon ng mga pelikula mula sa Eros Now kabilang ang Singham Returns, Raanjhana, at
Grand Masti
• Programming mula sa Filipino On Demand, GMA Network, MyX Network at TV K-Pop Music Videos.
• Koleksiyon g mga libreng pelikula mula sa Hi-Yah kabilang aang The Thieves, New World at A Simple Life.
• Libreng isang buwang preview ng live at on demand na programming ng GMA Pinoy, kabilang ang coverage nito ng paparating na presidensiyal na halalan ng Pilipinas.

Ang piling programming ay itatampok sa Asyanong website ng Xfinity (www.xfinity.com/asia) at lahat ng programming ay makukuha sa ilalim ng “Multicultural” na seksiyon sa Xfinity On Demand, sa ilalim ng Asian Heritage Month o Asian American Heritage Month. Karamihan ng nilalaman ay makukuha rin sa mga mobile na device sa pamamagitan ng Xfinity TV Go website at app.

Malaman ang iba pa sa xfinity.com/Asia.

Tungkol sa Comcast Cable:
Ang Comcast Cable ay isa sa pinakamalaking tagapaglaan ng video, high-speed Internet at telepono ng bansa sa mga residensiyal na customer sa ilalim ng tatak na XFINITY at nilalaan din ang mga serbisyong ito sa mga negosyo. Namuhunan ang Comcast sa teknolohiya para bumuo ng advanced na network na naghahatid ng pinakamabilis na tulin ng broadband, at dinadalhan ang mga customer ng pinasadyang video, komunikasyon at paghahandog sa pamamahala ng tahanan. Ang Comcast Corporation (Nasdaq: CMCSA, CMCSK) ay pandaigdignang media at teknolohiyang kompanya. Pumunta sa www.comcastcorporation.com para sa karagdagang impormasyon.

Comments are closed.

Scroll To Top