Ipagdiwang ang Moon Festival sa Pechanga Resort Casino May Ipamimigay na 2018 Mercedes Benz at Magagarang Premyo

Samahan kami sa Pechanga Resort Casino ngayong Setyembre upang ipagdiwang ang Mid-Autumn Festival kaugnay din ng kapana-panabik na “Harvest Moon Grand Drawing.” Magkakaroon ng 50 mananalo sa EasyPlay at isang swerteng mananalo ang magmamaneho ng bagong 2018 Mercedes Benz. Sa karagdagan, sa aming tatlong araw na “Harvest Moon – Swipe & Win” na promosyon, may pagkakataong manalo ang mga miyembro ng Club hanggang $1,000 sa EasyPlay!

Ang prmosyong “Harvest Moon – Swipe & Win” ay isasagawa sa araw ng Huwebes, Setyembre 6, 13 at 20. Mula 1pm hanggang 9pm, ang mga miyembro ng Pechanga Club ay maaaring magkaskas ng Club card sa himpilan ng promosyon sa pagkakataong manalo ng hanggang $1,000 sa EasyPlay o sa bunutan ng mga kalahok upang makasali sa Grandeng Bunutan.

Ang “Harvest Moon Grand Drawing” ay isasagawa sa Linggo, Setyembre 23. Sa takdang panahon ng promosyon mula 1pm hanggang 9pm, ang mga miyembro ng Club ay maaaring lumahok sa paggamit ng Club card habang naglalaro ng slots at table games. Maaaring lumahok paulit-ulit depende sa bahagdan/antas ng sinumang Miyembro. Ang miyembro na may Red Card ay maaaring lumahok ng 8x sa pagsali, ang miyembro na may Silver Card ay maaaring lumahok ng 1x. Ang mga kalahok ay bubunutin alas 5pm, 6pm, 7pm, 8pm at 9pm. Isa ang mananalo ng grandeng papremyo at mag-uuwi ng 2018 Mercedes Benz, habang ang total na 50 maswerteng mananalo ay makakapanalo ng kaniyang parte sa EasyPlay bonus. Dalasan ang paglalaro upang paulit-ulit na manalo! Ang mga mananalo ay ipapaskel sa kabuuang palapag ng casino. Sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 1-877-711-2946 o bumisita sa www.Pechanga.com.

Lahat kami sa Pechanga Resort Casino ay bumabati sa inyo ng Happy Moon Festival!

Patungkol sa Pechanga Resort Casino

Inaalok ng Pechanga Resort Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa United States. Hinirang na “Four Diamond Property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 4,500 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 1,090 mga kwarto sa hotel, kainan, spa at championship golf sa Journey sa Pechanga, ang Pechanga Resort Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll-free sa 1-888-PECHANGA o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort Casino sa Facebook at sa Twitter @PechangaCasino. Ang Pechanga Resort Casino ay bukas ng 24-oras. Ang mga bisita ay kinakailangang 21-anyos at pataas upang makapasok sa casino.

Translate »